The Struggle

2385 Words
Kabanata I  Liwanag ng sikat ng araw ang tumambad sa aking higaan.Napagod ako ng husto sa maghapong paglalabandera sa isang hotel dito sa aming probinsiya. Tanghali na ako nang nagising at di ko narin namalayan ang aking alarm. Muntik ko naring nakalimutang lunes pala ngayon at mas maaga ang pasok ko dahil may flag ceremony. Kilala ang bayan namin dahil sa turismo. Unti-unti naring may mga nagsisitayuang mga malalaking hotel at mga restaurant. Kaya nag-aaral palang ako ng highschool marami na akong pweding pagkakakitaan.Ang kita ko sa paglalaba tuwing sabado at linggo ay hinahati ko ,ang kalahati ay binibigay ko sa aking hipag para makatulong pambili ng bigas at ulam at ang kalahati naman ay para sa pamasahe ko sa school at baon sa buong linggo. . Nasa Fourth year High School na ako at gusto ko pag naging kolehiyo na ako kukuha ako ng kursong BS Education. Naalala ko noon laging sinasabi ng inay na bagay daw talaga sa akin ang maging guro. Ang totoo’y ang inay ko talaga ang nangarap na maging guro at noong kabataan niya kaya lang kapos sa pera at hindi rin sinuportahan ng lolo at lola, kaya hanggang grade 5 lang ito. Sa murang edad lumuwas ng maynila nakipagsapalarang maghanap ng trabaho at kahit papaano nakatulong din naman sa mga gastusin sa bahay at sa ibang mga kapatid niyang nag-aaral. Ngunit kalauna’y nagkapag-asawa at binaon nalang sa limot ang mga pangarap niya. Simula namatay si Inay at Itay nagpalipat-lipat na ako ng pwedi matirahan ,sa mga nakatatanda kong mga kapatid na may kanya-kanya naring pamilya. At kapag nagagalit sila sa akin madalas nilang sinasabi na ampon lang ako, at iniwan lang daw ako ng isang estranghero sa tabing dalampasigan at dahil likas na maaawin si Inay ay inuwi niya parin ako kahit marami rin silang magkakapatid at naghihikahos sa buhay. Pero naisip ko galit lang sila kaya nila nasasabi yun. Noong nabubuhay pa si Inay , hindi ko naman naramdaman na hindi niya ako anak, sa katunayan nga madalas akong pagseselosan ng mga kapatid ko sa sobrang lambing ni Inay sa akin. Pero marami ang nagsasabi na ibang-iba ang mukha ko sa lahat na magkakapatid. Ako lang daw ang maputi at lahat sila moreno’t Morena. Matangkad rin ako sa edad na kinse ay dalagang-dalaga na ang hubog ng aking katawan at kahit laging bilad sa araw ay nanatili parin ang kaputian ko at namumula-mula ang aking pisngi kaya ang tawag sa akin ng aming mga kapit bahay ayTisay. Ako lang rin ang may kulot at blondeng buhok. Nang minsang tinanong ko si Inay, pinaglihi daw ako sa labanos at buhok ng mais kaya ganun ako. “Aba, Arrah may balak ka pa bang bumangon dyan, tanghali na. Ako pa ba ang magsasaing para sayo? Sinuswerte ka naman! May libreng bahay at pagkain kana nakahanap kapa ng katulong. Si ate Gie ang asawa ni kuya. Hindi ganun kabuti ang trato nila sa akin, minsan di maiwasan na mapagsalitaan ng masama o kaya’y napagbuhatan ng kamay lalo na minsan hindi ko matiis na hindi ipagtanggol ang aking sarili lalo na sa mga maling sumbong ni ate Gie kay kuya, kaya lang sa halip na pakinggan ang side ko mas lalo lang akong pagagalitan ni kuya. Pero ayos lang ang mahalaga may kumupkop sa akin at may tahanan akong mauuwian. “Pasensya na po at natanghalian akong gumising dala ng pagod ko kahapon” “So, nagrereklamo kana?” Di na ako umimik , sanay narin ako at kumbaga nakasanayan ko na marinig ang mga ganung linya sa araw-araw. Nagligpit na ako ng higaan at agad na tinungo ang kusina upang maghanda ng umagahan. At pagkatapos maghanda ng umagahan. Ginising ko narin ang pamangkin kong si Freah. Limang taong gulang ito at kasalukuyang nag-aaral ng kindergarten. Pinakain ko muna ito at bago paliliguan. Tinungo na naming ang banyo at naliligo pa si ate Gie matagal talaga siyang maligo. Kaya kahit nagagalit ito ay kinakatok ko pa rin ang banyo at dahil susunod pa kami ni Freah maligo at mas lalo kaming mahuhuli sa klase “Ate Gie handa na po ang umagahan at paliliguan ko na si Freah.” “Ang apurado niyo di pa nga ako nakapagkuskos”,maktol nito pero ayaw niya ring mahuhuli si Freah sa klase kaya maya-maya'y lumabas na rin ito. Mag-aalas otso na ngunit bago palang ako maliligo at kakain. Pero sa pagkakataong ito tama nalang akong maligo, magbihis at papasok sa eskwelahan na walang laman ang tiyan. Talagang late na ako sa klase dahil alas syete y media ang simula ng aking first period. Strikta ang aking adviser kaya nakasara na ang pintuan, ang ginagawa ko na lamang ay pumipwesto ako sa upuan sa labas sa may gilid ng bintana na talagang inihahanda na ng mga kaklase ko lalo na kapag nakikita nilang wala pa ako sa klase at kahit papano’y nakakasunod parin ako sa lesson. "Arrah maglalakad ka lang pauwi"? Oo, best. Sige, sabay nalang ako sayo. Si Joana ang best friend ko. Nasa middle class ang pamilya niya. Nag-iisang anak at ang mga magulang niya ang nagmamay-ari ng ilang mga bangka sa bayan namin na ginagamit pang turista. At bukod pa rito mayroon din silang restaurant at pharmacy na minamanage ng nanay niyang Pharmacist. Masasabing maalwan talaga ang buhay nila. Pero napakabait ni Joana sinasabayan niya ako sa paglalakad pauwi tuwing hapon at kahit na may sundo siya. At lagi niyang dinadahilan sa sundo niya na kailangan niya ring mag exercise sa pamamagitan ng paglalakad. Gusto niya akong isabay pauwi kaya lang nahihiya ako at iniiwasan ko na baka isipin ng ibang tao na kinakaibigan ko lang siya dahil sa pera. Minsan pasimple niya akong inaabutan ng pera pero di ko tinatanggap dahil meron naman ako kahit papano. “By the way, Sasabay sa atin si Josh”. At kinawayan niya si Josh. Nakaabang lang pala ito na tawagin ni Joana. Nagsabwatan na naman ang dalawa. Ayaw ko kasi na may kasabay akong lalaki lalo na sa paglalakad pauwi dahil takot akong makita ako ng mga kuya ko at mahaba-habang sermon na naman sa bahay. “Oh, wag kanang sumimangot dyan.” Kasama mo naman ako e. “Safe ka, okay.” “Wag mo akong idaan sa pa cute mo dyan, hindi ka cute! Pabiro ko. . Hinampas niya ako sa balikat. Tumikhim si Josh nasa tabi na pala namin siya. . Hi! Arrah, pwedi ba akong makisabay sa inyo? “May magagawa pa ba ako. At di naman ako ang nagmamay-ari ng kalsada.” Uy, taray mo ha. Di bagay sayo gurl! Sabay tulak sakin ni Joana palapit kay Josh. Napalakas ang tulak ni Joana kung kaya’t muntik na akong masubsob sa bato kung hindi ako nahila ni Josh. At napayakap ako sa kanya. Mas matangkad si Josh kesa sa akin. Kaya halos napasubsob ako sa sa dibdib nya. Tumingala ako at nagkasalubungan ng tingin ang aming mga mata sobrang lapit ng aming mga mukha na halos ramdam ko na ang hininga niya. Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba kaya napabitaw ako at muli muntik na naman akong nasubsob kaya mas hinigpitan ni josh ang pagkayakap sa akin. Naghiyawan ang mga estudyante sa paligid namin. Sabay kaming napabitaw sa Isa’t-isa. Napayuko ako dahil alam ko sobrang pula ng pisngi ko sa sobrang hiya. At itong si Joana halos mamatay-matay sa katatawa. Maging sa paglalakad namin hindi na kami umiimik ni Josh kahit daldal ng daldal parin itong si Joana. Panay ang kantiyaw sa aming dalawa. Linggo at maaga akong gumising at nag asikaso para papasok na naman sa paglalabada. Pero pagkatapos kong maligo at paalis na sana pinigilan ako ni Ate Gie na noo'y kagigising lang. Wag na daw muna ako papasok may island hopping daw silang magkakaibigan at sumama daw ako para payagan siya ni kuya. At para may kasama narin ang pamangkin kong si Freah. Tutol man pero sumama parin ako wala rin naman akong pagpipilian e, kesa magalit pa sakin si ate gie at mas ayaw kong magalit sakin si Kuya. Limang isla ang destinasyon namin maghapon, ng nalaman ko kung anu-anong mga Isla ang pupuntahan namin nagreklamo ako kay ate Gie. "Ate di ba pweding sa malalapit na Isla lang po tayo." "Bakit naman? Ano Problema mo kung malalayo?" "Medyo di maganda ang panahon e.Delikado at may kasama pa naman tayong mga bata". "Tigilan mo nga ako sa ka praningan mo, sabihin mo tinatamad ka lang talagang sumama". "Hindi naman sa ganun ate nag-aalala lang ako sa kapakanan ng mga batang kasama natin at maging satin unahin muna natin ang kaligtasan natin. Marami pa namang pagkakataon para pumunta tayo sa malalayong isla kapag maganda na ang panahon." " Dapat hindi nalang kita sinama kung masisira lang pala araw ko sayo". Hindi na ako sumagot pa dahil alam kong wala rin naman patutunguhan ang usapan naming dalawa dahil hindi naman talaga ito makikinig sa akin. Ang kapasidad ng bangka na narentahan nila ay 20 pax ( 20 katao ang pweding sumakay sa bangka kasama na ang Boat Captain at isang tour guide.) Pero sa pagkakataong ito umabot ng 30 katao ang lulan ng bangka. Medyo makulimlim ang panahon at medyo mahangin pero di parin nabahala ang mga kasamahan namin at maging si ate Gie. Sa halip ay naghihiyawan at nagkakantahan ito dahil pag alis na pag alis palang ng bangka ay nagsimula na silang mag-iinuman kaya medyo tinaman na ang mga ito. Nakahinga ako ng maluwag ng dumaong na kami sa pangatlong isla dito na kami magtatanghalian. Inalalayan ko ang pamangking si Freah dahil tila nakalimutan na ng nanay niya na may kasama siyang anak. Yun talaga ang plano niya kaya sinama ako upang may bantay ang anak niya. Lasing na lasing na noon si ate Gie naka one piece swimsuit ito. Kaya naaalibadbaran akong nakikita siya na nakapulupot sa isang lalaki at halos hawakan na neto ang lahat ng parte ng katawan niya. Kaya di ko natiis nilapitan ko na siya. “ Ate tigilan mo na nga yan! ”. “Ang sagwa niyong tingnan may asawa kanang tao at nakikita pa ng anak mo yong ginagawa mo.” Ang nasabi ko sa sobrang inis ko dito. Buti nalang nanonood si Freah sa tablet niya kaya hindi nito napansin na nagkakasagutan na kami ng mama niya. “Ano ba paki-alam mo ha! Gusto mo baliktarin ko ang kwento. Sasabihin ko kay kuya mo na nagdala ka ng boyfriend mo dito sa isla. Tingnan natin kung hindi ka palalayasin. Maging palaboy ka sa kalsadang paki-alamera ka. “Halika na nga doon nalang tayo sa tubig”. Sabay hila neto sa lalaki. Napakuyom nalang ako ng kamao sa sobrang inis. Dinala ko nalang si Freah sa medyo may kalayuan para mailayo ang bata sa di magandang tanawin. “Tita build tayo castle”. “Sige, kaninong castle gusto mong gawin natin”. “ Arendell yong kay Elsa at Anna. Makakatanggi ba ako sa malambing at cute na boses nito. Sobrang napalapit na ang loob ko sa pamangkin ko at maging siya sa akin dahil simula nag isang taon ito ako na ang nag-aalaga at maging sa pagtulog ako na ang gusto niyang katabi. “ Kiss mo muna si tita”. Pinupog ako ng halik simula, noo,pisngi, ilong at labi. Niyakap ko ang bata at nakaramdam ako ng kunsensya ng matanaw ko sa di kalayuan ang kanyang ina may kayakap na ibang lalaki. Pagkatapos ng tanghalian ay sa pang-apat na Isla na ang destinasyon namin, Mysterious Island daw ito. Ayon sa mga folk stories ang naturang isla ay pagmamay-ari ng mag-asawang dayuhan. Pinatayuan daw ito ng dambana at mansyon ng mag asawa pagkatapos mahukay ang nakabaong kayamanan na mula pa sa World War II. Ang dambana at mansion ang nagsilbing pantakip sa mga bakas ng paghuhukay at tuluyan na nilang inabandona ang Isla. Pagkatapos magsawang kumuha ng litrato ay naglayag na kami sa pang limang Isla ito ang pinakamalayong Isla. Nawawala daw ito sa mapa isang beses sa isang taon. Medyo nakaramdam na ako ng matinding kaba dahil bumuhos na ang malakas na ulan at di pa rin namin matanaw ang Isla. Ayon sa Boat Captain dapat 30 minuto lang ang byahe namin pero umabot na kami ng halos isang oras sa gitna ng dagat. Malalaki narin ang mga humahampas na alon sa bangka namin Tahimik na ang lahat na tila nag-alala na. Niyakap ko ng mahigpit si Freah at napayakap din ng mahigpit ang pamangkin ko at nararamdaman kong takot na takot narin ito. "Parang ang tagal na ng byahe natin di ko parin matanaw ang Isla" nag-alalang sabi ng boat captain. " Ang mabuti pa kuya bumalik na tayo at umuwi na". Sabi ng isa sa mga kaibigan ni ate Gie. Sinimulang paiikutin na ng boat captain ang bangka at hindi namalayan ng lahat na biglang may malaking alon na pasalubong at malakas na humampas sa bangkang sinasakyan namin, nahati sa dalawa ang bangka nasira ang katig nagtalsikan sa iba't-bang deriksyon pati na ang mga sakay nito. Nakasuot ako at ang pamangkin ko ng Life Jacket mahigpit na niyayakap ko si Freah subalit may isang malaking alon na naman na papalapit sa aming dalawa iyak ng iyak si Freah at maging ako maluha-luha narin sa sitwasyon namin,awang-awa ako sa pamangkin ko. Lumingon-lingon ako ngunit wala akong makita ni isa sa aming mga kasamahan.”Natangay na ba sila ng malakas na alon?, maiyak-iyak kong sabi. Naalala ko halos lahat sa mga ito walang suot na Life Jacket at mga lasing na lasing na maging ang tour guide at boat captain. Sino na ngayon ang tutulong sa amin. Maya-maya’y hinampas na naman kami ng malakas na alon kasabay ng paghampas ng bangka sa amin. Nabitiwan ko si Freah nasira narin ang Life Jacket ko at nagkaroon ng malaking hiwa banda sa aking dibdib. Sumisigaw ako ng Freah. At naririnig ko pa ang tawag niya sa akin na tita. Habang pilit nilalabanan ang malalakas na alon. Freaaaaaaaaah! Pamangkin ko. Nanlalabo na ang paningin ko at naaaninag ko ang mukha ni Freah palayo na siya ng palayo sa kinaroroonan ko. Pilit kong kinakampay ang aking mga braso pero nawalan ako ng lakas. “Freah nawa'y malampasan mo to,di ka nailigtas ni tita. Maluha-luha kong bulong bago ako tuluyang nawalan ng malay. " :(
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD