1

336 Words
Tinanggal ni Payne ang hairnet niya. Pagod na pagod na siya dahil mahigit kinse oras nang wala siyang pahinga. Kailangan niyang kumayod dahil kailangang niya ng pera. Nahihilo na siya pero ano ang magagawa niya? Kapag sumuko siya, talo siya. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Dahil kapag sumuko siya at nagpahinga, baka mawala sa kanya ang mahal niyang ama. Sumandal siya sa sink at panandaliang pumikit. But her tears fell down. At sa pagbagsak ng luha niya ay tuluyan nang gumuho ang emosyon niya. Pasadsad siyang umupo sa sahig. Sapo ang mukha ng dalawang kamay ay umiyak siya nang umiyak. Ang bigat ng pakiramdaman niya. Pakiramdaman niya ay mamamatay siya anumang oras. Pero iyon ang gusto niya. Mas gusto niya pang mamatay kaysa sa mawala ang tatay niya. Isang tapik sa balikat ang naging dahilan kung bakit siya nagtaas ng tingin. Sa nanlalabong mata dala ng luha ay nakita niya si Blue, ang kasamahan niyang tomboy “Oy, ano ang nangyari sa iyo?” Ayaw niya sana itong sagutin lalo pa at hindi niya ito close pero umupo ito sa tabi niya. “Nabalitaan ko ang nangyari sa erpat mo, ah? Totoo ba?” Tumango siya pero hindi nagsalita. "Naku, mahirap talaga ang ganyan, lalo pa at sa hirap ng buhay ngayon, imposible na nga ang makapulot ka ng bente pesos sa daan. Balita ko ay baon ka na sa utang?" Kung puwede niya lang singhalan ito ay ginawa niya na. Hindi niya kailangan ngayon ang mga sinasabi nitong walang kwenta. Bago pa siya mawala sa katinuan ay nagpunas na siya ng luha at tumayo. Aalis na sana siya pero nagsalita ito. "Gusto mo ba ng pera?" Natigil siya sa paghakbang at nilingon ito. Tiningnan niya ito nang masama bago naglakad ulit. Pero nagsalita ulit ito "Malaking pera ang pinag-uusapan natin dito. Limang milyon." Natigilan ang paa niya sa paghakbang, pero ang puso niya ay tila gustong kumawala sa pinaglalagyan nito. ”A-ano ulit a-ang sabi mo?” Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni Blue...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD