Nung una ay hindi pumayag si Finn na ako ang mag-drive hindi dahil sa wala siyang tiwala sa'kin, ayaw niya lang daw akong mapagod pero siya 'yung mas pagod sa'kin kaya talagang nakipagtalo ako sa kaniya na ako na ang magda-drive. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag kaya heto ako ngayon at nagda-drive pauwi sa bahay kasama siya. Natuto akong mag-drive dahil nung college ay tinuruan ako nung professor ko na may favorite sa'kin. Patay na siya ngayon pero hanggang ngayon ay alam ko pa ring mag-drive. "Galit ka ba sa'kin?" tanong ko kay Finn na ngayon ay nakatingin lang sa bintana nitong kotse niya. Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa'kin. "No, I'm thankful that you did that," sabi niya kaya nilingon ko siya at ngumiti. Kaagad ko rin namang binalik sa kalsada ang

