2 days na simula nung pumunta ako sa opisina ni Finn at nakita si Krystal na nilalandi si Finn. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako ng dahilan kung bakit bigla na lang nag-iba si Krystal at naging gano'n ang asal niya. Simula nung araw na'yon ay lagi na'kong pumupunta sa kumpanya nila Finn para lang hindi na siya istorbohin ni Krystal pero tuwing pagdating ko sa office ni Finn ay laging nandoon si Krystal at inaakit si Finn. Wala rin namang magawa si Finn para patigilin si Krystal dahil sinusuportahan ni Mrs. Camilla si Krystal sa kalandian nito. Habang nag-iisip ng posibleng dahilan kung bakit naging gano'n si Krystal ay biglang may nag-doorbell kaya binuksan ko ang pintuan at bumungad sa gate ko si Nica. Kumaway siya sa'kin at ngumiti nang malaki kaya ngumiti rin ako sa kaniya at

