"Okay class goodbye," sabi ko sa mga estudyante ko. "Goodbye Maam Pineda, goodbye classmates I hope to see you again tomorrow," sabay-sabay na sabi ng mga grade 2 students ko. Nagsilabasan na sila at naghihintay na ang mga magulang nila malapit sa gate para sunduin sila. Kaagad akong dumiretso sa office para mag-out at nang matapos ay pumunta ako sa restroom ng mga teachers para magpalit ng dress na dinala ko. Nang matapos ay tumingin muna ako sa salamin at chineck ang sarili kung okay lang ba ang hitsura ko bago lumabas. Tinanggal ko ang make-up ko at hindi na'ko nag-retouch para malaman ng mga taong magmi-makeover sa'kin ang normal face ko para malaman kaagad nila kung ano ang aayusin. Dumiretso na'ko sa gate at bago pa man ako makalabas ay hinarang ako ni Sir Ronald. Isa rin siyang

