"D-don't be sorry Elicia, it's okay. I'm not mad. I-it's just that I was surprised that you did that. I-i mean, y-you're my first kiss," nauutal-utal na sabi niya. Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa konsensya. Baka mamaya nabigyan ko na pala siya ng trauma. "Sorry pa rin talaga, hindi ko alam na ako pala ang first kiss mo," sabi ko at tumingin sa mga mata niya. Umiwas naman siya ng tingin. "I-it's alright. It's just a kiss, no big deal. And isa pa ay para rin naman sa'tin 'yon," wika niya at ngayon ay tumingin na sa mga mata ko at ngumiti. "I'll be ready next time when we did it again," dugtong niya pa. Napahinga naman na'ko nang maluwag. Buti na lang ay unti-unti na siyang hindi naiilang. "Sige na umuwi ka na para makapaghanda ka bukas para sa pakikipag-meet natin sa parents mo.

