Nang gumising ako ay kaagad akong naghanda at pagkatapos ay sakto ang pagdating ng mga kukuha sa mga furnitures na ipapadala ko sa bahay ampunan. Kahapon kasi ay tinanong ni Nica kung mga anong oras ako natatapos bago umalis papuntang school para daw before ako umalis at pumasok sa trabaho ay papapuntahin niya ang mga kukuha ng furnitures ko na ibibigay sa bahay ampunan at sakto ang oras nang pagdating nila. Hinintay ko silang matapos na kunin ang mga furnitures ko at hinintay silang umalis bago ako umalis papuntang trabaho. Habang naglalakad palabas nitong village ay tinitingnan ko isa-isa ang mga bahay rito. Magaganda ang mga bahay rito at ang tahimik. Habang nagtititingin ng mga bahay ay may humintong sasakyan sa harap ko kaya kinabahan ako. Bumukas ang pinto ng kotse at nabigla ako

