Nandito na kami ngayon sa labas ni Edward at nakatingin lang sa langit habang nagpapahangin. Kumakain na kasi ang mga bata at kami ay tapos nang kumain kaya naisipan naming magpahangin habang kumakain pa ang mga bata. Tapos na rin ang ibang mga palaro ko para sa mga bata at talagang nakatitiyak ako na masaya sila lalo na si Edward dahil alam kong siya ang mas sasaya kapag nakitang masaya ang mga bata. Pero siyempre masaya rin ako kaya nakakatuwa dahil successful itong naisip ko na surprise. Masaya kaming lahat kaya wala na'kong ibang hihilingin pa. Tahimik lang kami ngayon ni Edward habang nakatingin sa malayo. Tingin ko ay nakikiramdam lang kami sa isa't isa kung sino ang unang magsasalita. Dahil alam ko naman na ang pangalan ng babaeng gusto niya ay naisipan kong sabihin sa kaniya n

