Nagulat ako ng bigla akong nilapitan ng Chairman at tinuro bago nilingon si Evander. "Is she the woman you have been talking about lately, Evander? Siya ang bago mong sekretarya? Magaling ka naman pa lang pumili. Matutuwa ng subra ang Mommy mo." "I know. Sa tingin mo pipili ako ng kung sino lang?" lumapit sa akin si Evander na malaki ang ngisi, proud na proud sa katarantaduhan niya. "She is not just my secretary but also my—" bago pa tuluyang marapos ni Evander ang kaniyang sasabihin ay pinutol ko na. "Friend. Friend din po ako ni Evander!" Dahil sa sinabe ko ay kaagad na nangunot ang noo ni Evander na nilingon ako. Ilang beses akong napalunok ng sariling laway. Hindi ko alam na pupunta rito ang Chairman! Wala man lang pasabe sa akin si Evander! "Wait, I don't get it. This girl is Layl

