Umagang umaga pero heto kami kahit inaantok pa ay nagbubundok na. Sabi ng tourguide ay 8-10 hours din ang lalakarin namin para lang marating ang tuktok ng Mount Batula, isang sikat na hiking destination sa Batanggas Cavite. 3 days din ang ilalaan namin sa lugar na ito. "Water?" Isang tumbler ang sumulpot sa harapan ko. Ilang beses akong napalunok ng sariling laway pero hindi ko ito tinanggap. Inirapan ko si Evander magpatuloy sa paglalakad. Mas gusto ko pang mamatay sa uhaw kesa pansinin siya. Hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako pagnakikita ang pagmu-mukha niya. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang panunuyo niya. "May nangyare ba kay Sir Evander?" tanong ni Sir Yuwen na sumabay sa paglalakad ko. "Kanina pa siya mukhang problemado. Akala mo ay nakipag-away sa kaniya ang gf niy."

