PAUWI na sana sa bahay si Phylbert nang makatanggap siya ng tawag mula kay Tita Rachelle. Hindi pa man siya tapos na bumati ay inutusan na siya nitong magtungo sa bahay ng mga ito at bago pa man siya makapagtanong ay pinutol na nito ang linya. Histerikal ang tinig nito kaya kaagad niyang inutusan ang driver na magtungo sa bahay ng mga Carillo. Inihatid niya kaninang hapon si Juan Cristobal sa airport. Kinausap nilang dalawa ang mga magulang at kapatid niya at pormal na sinabing wala nang kasalang magaganap. Ipinaliwanag nila na desisyon nilang dalawa ang bagay na iyon at alam nilang iyon ang makabubuti. Walang gaanong sinabi ang pamilya niya. It was like they already expected that to happen. Ang sabi niya kay Juan Cristobal ay sasama siya rito pabalik sa Boston upang makapagpaliwanag rin
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


