PAGBUKAS ni Phylbert ng pinto ng silid na inokupa niya kinabukasan ay nakita niyang nakaabang sa labas si Jace. He looked like he didn’t get any sleep last night. Worry was very evident in his eyes. May bahid pa iyon ng takot. Siya man ay hindi nakatulog. Mataman niyang pinag-isipan ang mga gagawin at sasabihin niya. She spent the night calming her heart, her whole being. Huminga siya nang malalim. “Okay, here’s what we’re gonna do,” aniya bago pa man ito makapagsalita. “We’re gonna forget about what happened between us last night.” “Can you do that?” hamon nito sa kanya. “Yes, I can easily do that, damn you!” Totoong galit na siya. Hindi man lang ba ito naaawa sa kanya? Kahit sana paano ay isipin nito ang kanyang kalagayan. She was getting married and he knew it! Wala itong karapatang

