"Baliw ka ba? Magpapanggap tayo na may relasyon? Balak mo bang pagselosin yong mokong na yon kaya naisip mo yan?" Kunot noong sabi ni Kyle sa akin. Humiling kasi ako sa kanya na magpanggap kami, sya as a boyfriend ko kapag nasa paligid lang si Dazer. Natatakot na kasi akong lumabas at nahihiya sa huli naming pagkikita! Nakipaghalikan ba naman ako! Jusko naman! "No, I'm not using you to make him jealous, we're going to pretend so that he stop pursuing me" I clarify to him. Pinagcross naman nya ang braso nya at tinaasan ako ng kilay. "What makes you think that he's pursuing you?" Napakurap naman ako sa sinabi nya. That hit me. Oo nga! Sino bang nagsabi na he wants me back? Porke hinalikan nya ako, pursue agad? Paano kong pinaghigantihan nya lang ako?...kapag nahulog ako sa kanya again

