Chapter Thirty Seven Nang matapos ang dinner namin ay bumiyahe na kami papunta ng club. Wala akong natanggap na text galing kay Keanu mula kanina. Hindi naman kami palaging nagt-text pero pa minsan-minsan ay may natatanggap naman ako sa kaniya lalo pa kapag nagtatanong siya kung lalabas ako kasama sina Jea at Camille. But not tonight. Hindi ko alam kung bakit at ayaw ko na lang isipin. Ayaw kong isipin na baka hindi siya nagpaparamdam ay hindi niya ako naalala. Hindi na niya ako naalala dahil may kasama naman siyang babae. I felt my heart twisted inside my chest. Napailing na lang ako at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Camille. My eyes watered as I imagined the things that they were probably doing the moment they left the coffee shop earlier. Baka nga magkasama

