Chapter Twenty Eight Saktong pagbaba ko ng hagdan ay kakapasok lang nina Jea at Camille. Wala pa si Yaya Linda. At dahil nga takot ako na mag-abot sila dahil baka magtanong pa ito kung bakit lalabas na naman kami gayong kakauwi ko lang, ay mabilis ko nang hinigit papalabas ang mga kaibigan ko kahit na kakapasok lang nila. “Teka lang naman, Lia, inuuhaw ako eh! Iinom pa ako ng tubig, eh!” reklamo niya at pinilit pang bawiin ang kamay niya pero hindi ko siya binitawan. “Halika na!” sigaw ko at hinigit siya ulit. Natatawang sumunod naman si Camille. “Bakit k aba nagmamadali na umalis?” tanong ni Camille. “Gutom na ako!” sigaw ko kahit na hindi naman. Kakakain ko nga lang kanina sa unit ni Keanu. Wala nang nagawa sina Jea at Camille kung hindi magpatianod na sa aking pa

