Chapter Thirteen Keanu’s POV I always see Lia at the university especially in our department. Palagi niyang kasama ang mga kaibigan niya. Kung noon, hindi naman kami nagpapansinan, ngayon, iba na. Kahit na sino lang ang makita ko sa dalawa, kina Jea at Camille, ay palagi nila akong pinapansin kaya ganoon din ang ginagawa ko kapag ka nakikita ko sila. But this time, it’s different. Kasama nila si Lia. Tinitigan ko si Lia kahit na malayo pa ako. I would pass by where they were sitting kaya diretso lang ang tingin ko sa kaniya. Nahagip ng tingin ko si Jea na malapad ang ngiti at may sinabi kay Lia. Nakalapit na ako ay hindi pa din tumitingin si Lia sa gawi ko. Si Jea at Camille naman ay nakangiting bumati sa akin. “Hi, Keanu!” the two greeted as I stopped just beside Lia

