I heard it. I heard everything even from the very first day. Lahat ng mga binubulong niya. Narinig ko lahat. Naaalala ko lahat. Walang ni isang detalye na nakalimutan. Pero ayoko na. Pagod na ako. Pagod na akong maghabol. Pagod na akong magmahal. Kahit mahal ko pa din siya, titigil na ako. Ang ilap talaga ng kamatayan sakin. Kung kailan ako sumuko saka naman niya ako bibigyan ng rason para magpatuloy. Pero ayoko na. Sa lahat ng nangyari tanggap ko na hindi ako ang para sa kaniya. Si Mhelanie. Siya yung nakatadhana para sa kaniya pero hinadlangan ko. Sinira ko. Kaya din siguro sinisira ako ng tadhana dahil winasak ko ang magandang obra maestra niya. Galit siya sakin dahil sinira ko sila. Bakit ngayon lang nalinaw sakin ang lahat? Kahit ilang beses niyang binulong sakin ang mga sali

