I've been crying. For hours. Before I left his house, I saw him. But too late because the car already drove away. When I get home, umiiyak pa din ako. Agad akong dumeretso saking silid at kinuha ang aking malaking maleta sa walk-in closet ko at ipinatong sa kama. Iniisa isa kong kinuha ang mga damit ko at hindi na inabalang tupiin pa iyon ng maayos. Umiiyak at humahagulhol ako habang nag-iimpake ng damit. Hindi ko naman madadala lahat ng damit ko dahil sa dami. Kinuha ko lang yung kakailanganin ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa abroad. Siguro aabutin ako ng ilang buwan o kaya taon para maghilum. Hindi ko nakikita ng maayos yung pinaglalalagay ko sa maleta basta alam kong damit iyon. Nang matapos ay agad ko iyon isinarado. Pinahiran ko muna yung mukha ko para makakita ako n

