“Maniac!” Tili niyang nagmamadaling dinampot ang underwear sa sahig at niyakap ang ibabang parte ng sarili. “This is a private owned property! Trespassing ka!” Hindi man lang tuminag ang lalaki sa narinig. Instead humalukipkip pa ito sabay taas ng sulok ng labi. “I should be the one telling you that.” Nagsalubong ang magandang kilay ni Paige. “Huh? The heck! At sino ka sa tingin mo?” “At sino ka rin?” Nagsasalubong rin ang kilay na balik tanong nito. Hindi siya kilala ng lalaking ‘to? Siya si Paige Santillan na kilalang-kilala? Imposible namang walang internet at TV sa probinsyang ‘to? Subalit bakas sa mukha ng lalaki na tila hindi talaga narerekognisa ang mukha niya. Sandali, hindi kaya ganito na ang bagong modus operandi ng mga kawatan? Siguro na-spot-an na walang nakatira ng mat

