Chapter 5

2118 Words
"Hey! What are you doing?" Nagpumiglas si Blue nang buhatin siya ni Frost palabas ng club. "Ano sa tingin mo?" Matigas nitong tugon sabay isinabit siya sa balikat na parang sako ng patatas. "I'm taking you home." "Ano! Ayoko pang umuwi! Nakita mong nagsasaya pa 'yong tao, eh! Ibaba mo nga ako!" Nagpapadyak pa si Blue na parang bata. Subalit tila bingi itong isinakay siya sa back seat ng itim na BMW nito. Hinawakan ni Blue ang handle ng pinto at babangon sana pero mabilis nakaikot sa driver seat si Frost at binuksan ang ignition saka automatic na ni-lock ang mga pinto. Naniningkit ang mga matang binalingan niya ito. "Ayoko pa sabing umuwi!" Tili ni Blue na pinaghahampas ang pinto. Nawalan na talaga siya ng control sa sarili. Alcohol was taking over her whole being. Daig pa ni Blue ang luka-luka. Hindi na niya ininda kung masaktan ang mga kamao o mabasag niya ang salamin. Ang nasa isip niya ay makabalik sa loob ng club at mag-saya. "Damn!" Galit na pumihit si Frost paharap sa dalaga. "What the hell, Paige! Get back to your senses! Ano bang nangyayari sa yo!" Natigilan si Blue at napatitig sa mukha ng binata. Pagkatapos ay humahagikhik sa kadahilanang wala itong kaalam-alam na hindi siya si Paige. Pinisil niya ang pisngi nito. "Cutie.." Si Frost naman ang napatitig sa mukha ng dalaga. Pagkatapos ay naiiling na ikinabit ang seat belt ni Blue saka pinaandar ang sasakyan. Hindi na malaman ni Blue kung paanong nakarating sila ni Frost sa unit ni Paige na buhat-buhat siya ng binata at maingat na naihiga sa kama. Her head was spinning so fast. Amoy na amoy niya sa hininga ang ininom na alak dahilan upang tila halukayin ang simula ni Blue. Nanghihina siyang bumangon nakatakip ang kamay sa bibig. "Nasusuka ka?" Tanong ni Frost na niyuko ang nobya. Marahang tumango si Blue. Kaagad itong umalis pagbalik ay may dalang kulay gold na basin. "Here. p**e up," anitong hinagod-hagod ang kaniyang likuran. Nang pakiramdam niyang naubos na ang likido sa bibig, pabagsak na bumalik sa pagkakahiga si Blue sa kama. Lumihis na ang suot na dress kaya kitang-kita na ang panty maging ang bra dahil nahulog naman ang strap ng damit. Ang suot na stilleto ay pareho nang nahulog sa sahig. Nakakatulog na siya nang maramdaman ang kung anong pinupunas sa mukha niya. "I want to sleep!" Reklamo niyang inilalayo ang mukha sa tuwalyang hawak ni Frost. "Ayoko niyan!" Hindi ito umimik, stress lang na bumuntong hininga habang patuloy sa pagpupunas sa mukha niya. Pilit na idinilat ni Blue ang mga mata at nakitang nagsasalubong ang kilay nito na halatang badtrip na. Pero imbes na matakot at mag-alala, tumawa pa siya na lalong naging dahilan ng pagsasalubong ng kilay nito. "Are you making fun of me? Tsaka bakit ka ba uminom?" "Bakit porket sikat akong artista, hindi na ako pwedeng magsaya!" She want to applaud herself for playing her part kahit lasing siya! "Hindi ko maman sinabi bawal, ah." "Oh, bakit ka bigla na lang susulpot sa bar!" Dinuro niya ang ilong nito pagkatapos ay naningkit ang mga mata niya. "Don't tell me, sinusundan mo ako!" "Of course not! I was with my friends." "And you didn't tell me?" Tinaasan niya ito ng kilay. Kumunot ang noo nito. "You're not that type of women, Paige. Hindi mo gustong nagrereport tayo sa isa't isa. Ikaw mismo ang nagsabi no'n." What! Sobrang tiwala naman pala nitong si Paige sa boyfriend niya! Paano kung mambabae ito? Sa gwapo ni Frost— malamang babae pa ang pumipili rito. "Ah..." tumaas ng sabay ang mga kilay ni Blue sabay humahagikhik. "Ganoon pala ako! Sorry naman! Hindi ba pwedeng magbago?" "Magbago?" Ulit nito na inilapag ang hawak na towel sa basin. "Yes!" patango-tangong tugon ni Blue sabay hinawakan ang pisngi nito. "From now on! Mag-uupdate ka na sa akin! Naiintindihan mo?" Tumango ito. "Okay. Whatever you want." "Good!" Ngumiti siya at sa mumungay na mga mata inilapit niya ang mukha sa lalaki. "Now... kiss me." Usal niya't siya na mismo ang sumiil ng halik sa binata. *** NAGISING si Blue kinaumagahan na masakit ang ulo at buong katawan niya. Para siyang binugbog. Kumikirot pa ang sentido niya na para bang nakipagsabunutan siya kagabi. "Ah, damn..." Sapo ang noo na bumangon siya. Sa sobrang kalasingan ay total black out talaga ang memorya niya. Ang huling natatandaan niya ay sumasayaw sila ni Dylan sa dancefloor. Napamulat si Blue nang maalala ang kaibigan. Teka, ito ba ang naghatid sa kaniya? Dali-dali niyang hinanap ang cellphone at natagpuan 'yon sa ibaba ng kama. Natigilan pa siya nang ma-realize na wala pala siyang kahit anong suot maliban sa underwear. What the holy ghost! Oh my god! Ang baklang 'yon! Nakita na ang buong katawan niya! Nagngingitngit na pumasok si Blue sa dressing room at nagbihis ng malaking tshirt saka binuksan ang cellphone niya para paulanan sana ng mga salita si Dylan. Kahit magkaibigan sila, wala itong rights na hubaran siya no! Pero natigilan siya ng mabasa ang mga chat nito. Dylan: Blue! Nasaan ka ba? Dylan: Hoy, Gaga! Nag-aalala na ako sa 'yo! Hinahanap kita rito sa club! Kunot ang noong nagreply siya sa mga chat nito kagabi. Blueberly: Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi ba ikaw ang naghatid sa akin kagabi? Dylan: Shutangina! Buti naman naalala mo na ako replyan! Kagabi pa ako di mapakali! Tanga ka! Saan ka ba nagpunta! Blueberly: Akala ko hinatid mo ako rito sa unit ni Paige. I woke up here! Dylan: Ha? Bigla ka ngang nawala sa dancefloor kagabi! Blueberly: So, kung hindi ikaw ang naghatid sa akin kagabi. Sino? Dylan: Aba, malay ko sa 'yo! Naudlot ang pagtipa ni Blue nang biglang bumukas ang pumasok si Mamshie Claudine. "Oh, bakit hindi ka pa nag-re-ready? May agenda tayo ngayon, Neng! Kilos na!" Pumalakpak pa ito bago siya hinila papunta sa banyo. *** PALAISIPAN kay Blue kung sino ang misteryosong naghatid sa kaniya sa unit ni Paige. Wala namang nagtext or nagchat sa kaniya buong maghapon. Hindi naman niya magawang magtanong sa reception pagbaba nila ng unit at baka maghinala pa ang mga ito. Tuloy distracted siya sa pag-alala na paano kung may nakakilala at nakapansin sa kaniya kagabi? Siguradong mananagot siya nito kay Madam! Baka bawiin pa ang perang naibayad na niya sa mga pinagkakautangan ng Ama. Bakit ba kasi siya nagpa-uto kay Dylan! Ngayon, mukhang madagdagan pa ang problema niya. "Ayan! Ang ganda-ganda talaga ng alaga ko!" Tuwang-tuwang puri ni Mamshie Claudine a nakatayo sa tabi ng make up artist na nakapwesto sa likuran ng kinauupuan ni Blue na vanity chair. Katatapos lang nitong ayusin ang buhok at lagyan ng make up ang mukha niya para sa dinner date na pupuntahan nila ni Madam Clarita. "Ako pa ba, Mah!" Nakatawang tugon ng isa pang bakla. "Tsaka hindi mahirap ayusan itong si Paige! Naturalesa kasi ang ganda!" "Thank you." Tipid na ngumiti si Blue na nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. She's wearing an off shoulder night gown. Kulay maroon 'yon kaya lumutang ang maputi niyang balat na alaga na ngayon sa gluta at mamahaling sa sabon. Hapit rin 'yon sa katawan na lalong kumurba dahil sa strict diet at work out sa lumipas na linggo at tila kumikinang ang maliliit na batong nakapalibot sa ibabang bahagi ng gown. "Mamshie, nandiyan ang sundo ni Paige!" Ani Dina na sumungaw na bumukas na pintuan. "Sige na, Vernon," senyas ni Mamshie sa baklang make up artist. "Iwan mo muna kami. Susunod rin si Paige kaagad." Sumunod naman ito. At nang maiwanan silang dalawa pumihit si Blue paharap dito. "Kinakabahan ako, Mamshie..." sinserong sabi niya. Strict man kasi ito sa kaniya dahil sa mga training ramdam ni Blue ang maternal instinct nito. Isa pa, ito lang rin naman ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao. "You will be fine." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Basta, tatandaan mo lang lahat ng mga pinag-aralan mo. Yung listahan na ibinigay ko sa 'yo? Binabasa mo ba?" Tumango siya. "Opo, Mamshie." "Good. Tandaan mong maraming pagkain na allergic si Paige. Naku, hindi ka pwedeng mabuking. O siya! Halika na." Hinatid siya ni Mamshie kasama ang dalawang guard hanggang sa basement ng condo kung saan naghihintay ang sundo niyang limousine. Mag-isa lang siya nakasakay roon. Kaya naman lalo siyang kinakain ng kaba habang nasa biyahe! Nang huminto ang sinasakyan sa harapan ng isang five star hotel, pinagbuksan si Blue ng chauffeur. Pagbaba niya ay sinalubong naman siya ng staff ng hotel. "Good evening, Ma'am Paige," magalang na bati ng lalaki na mukhang alam na alam na ang gagawin dahil inihatid pa siya mismo sa restuarant ng hotel. Pinagpawisan ng malamig si Blue, nang pagpasok sa VIP room ay naroon na si Clarita at pamilya Gambles. Naging pamilyar na ang mukha ng mga ito kaniya dahil sa mga litratong ipinakita sa kaniya ni Mamshie Claudine. She also did a research about them, para mas makakuha ng impormasyon. Nakapaskil ang ngiti na humakbang si Blue subalit kaagad 'yong napalis nang tumayo si Frost sa pwesto nito at salubungin niya. Lumakas ang kabog ang kabog sa kaniyang dibdib sa hindi kasi malaman na dahilan ni Blue— hindi mawala-wala sa ala-ala ang unang beses na pagkikita nila. Oh, well... unforgettable nga naman 'yon! Minolestiya lang naman nito ang impostorang girlfriend! At ang mas malala pa, may mga ala-alang bumabalik sa kaniya mula pa kahapon na hindi niya alam kung saan galing— him kissing her on the bed... Pasimpleng ipinilig ni Blue ang ulo upang hamigin at ibinalik ang ngiti nang i-offer ni Frost braso sa kaniya. "Thank you..." aniya. Tumango lang ito at inilapit na siya sa lamesa kung nasaan ang mga magulang nito at si Madam Clarita. "Paige! You look beautiful!" Anang ina ni Frost sinalubong siya yakap. "Have you receive the flowers i sent you this morning, hija?" Gumanti ng yakap si Blue. Kusang gumihit ang ngiti sa labi niya. Surprisingly, wala siyang naramdamang pagkailang sa yakap nito. Marahil dahil tila yakap 'yon ng isang Ina na matagal na niyang pinangungulilaan. "Yes, Tita Catalina. They were so beautiful! Thank you!" "You're always welcome. Minsan ay dumalaw ka naman sa bahay." "Sige po. I will make time for it." Nasisiyahang ngumiti ang ginang pagkatapos ay si Frederick Gambles naman ang yumakap sa kaniya. At tinapik pa siya sa balikat. "Finally, you're back.. maayos na ba ang pakiramdam mo?" Kumunot ang noo ni Blue. Bago pa siya makasagot ay inunahan na siya ni Clarita. "She's totally fine now," anitong nakangiting bumaling sa kaniya. "I told them that you take a break, dahil nagkasakit ka sa sunod-sunod na tapings." "That's why I suggested na binitiwan mo na muna ang ilang proyekto mo, hija." Sabi naman ni Frederick. Kinumpas ni Clarita ang mga kamay. "No need, balae. Kilala niyo naman itong si Paige. Kahit sinasabi ko na huwag na munang kumuha ng mga projects, ayaw naman pumayag. At wala sa vocabulary niya ang mag-quit lalo na at on going na ang mga shows niya. Di ba, sweetheart?" Pilit na ngumiti si Blue. "A-Ah.. yeah. My mom was right, Tito Fred. I never born a quitter." "Just a drunkard." Bulong ni Frost nang ipaghila siya nito ng silya. Kunot noong nilingon niya ang binata sa kaniyang tabi at nahuli itong nakangisi. Hindi na nga lang nagawang magtanong ni Blue dahil, inihain na ang mga pagkaing inorder ng mag-asawang Gambles. The dinner was a little bit formal. Puro business at tungkol sa entertainment industry ang usapan na pinangungunahan ni Clarita at Frederick. Naiba lang ang topic nang sumingit si Catalina, at nalipat 'yon sa relasyon ni Frost at Paige. "So, how about the engagement?” Nasisiyahang tanong ni Catalina. Natigalan sa pag-subo si Blue at pasimpleng binalingan ang mga kasama sa lamesa. Walang nabanggit tungkol roon si Mamshie Claudine. Si Clarita ang sumagot. “Tulad pa rin ng naunang plano natin, Catalina.” Kumunot ang noo niya at nagtatanong ang mga matang binalingan si Frost. Pero tila nagtaka rin ito sa reaksyon niya. Nagpatuloy naman si Clarita. “Next week ang target date natin. Kasabay sa paglabas ng bagong trailer ng movie ni Paige.” Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa tatlo. “What do you think?” “That’s perfect!” Pag-sang ayon ni Catalina. Patango-tango namang nagpunas ng napkin sa bibig si Frederick bago sumagot. “I agreed. Fans are dying to see this two getting married.” Binalingan nito ang anak. “Frost?” “Yes, Dad. That’s a good idea,” kibit ang balikat na tugon ni Frost. Pagkatapos ay sabay-sabay na bumaling ang mga ito sa kaniya. “What do you think, Paige?” Hindi naman malaman ni Blue kung ngingiwi or ngingiti. So, ang relasyon pala ni Frost at Paige for publicity lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD