NAGISING si Blue sa tunog ng cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng night table. Pikit ang isang matang inabot niya at in-off ang alarm. Tiningnan ang oras. Alas singko pa lang ng umaga. Maaga ang call time nila ngayon. Aktong babangon si Blue nang may maramdamang may mabigat na bagay ang nakadagan sa tiyan niya. Napangiti siya nang lingunin ang kaniyang tabi. Sa dim na ilaw mula da lamp shade naaanig ang nahihimbing na si Frost. Itinukod ni Blue ang siko sa kama at pinagmasdan ang binata. Tumaas ang isang kamay niya at pinadaanan ng hintuturong daliri ang matangos nitong ilong. What now? Hindi niya dapat sinabi ang mga katagang ‘yon. Wala siyang karapatan. Hindi niya dapat pinanghimasukan ang nararamdaman ni Paige. Lalo na’t nalaman niyang malamig ang turing ng aktres sa binata.

