Nakapaskil ang palsipikadong ngiti sa mga labi ni Blue nang magkaagapay na umakyat sila ni Frost sa platform. Alam naman na niya ang mga gagawin. Sa katunayan ilang beses niyang ni-reherse ang mga emosyon na dapat lumabas sa kaniyang mukha mamaya.
Subalit abot-abot pa rin ang kaba niya. Lalo nang tumayo si Frederick sa harapan ng mikropono. Tumahimik ang lahat nang magsalita roon ang Ama ni Frost.
Dahil sa lakas ng kabog sa dibdib, halos hindi na maintindihan ni Blue ang mga pinagsasabi nito. Naramdaman na lang niya nang igiya siya ni Frost patungo sa harapan.
Naghumiyawan ang mga guest nang lumuhod ito sa kaniyang harapan at kuhanin sa bulsa ang maliit na velvet box.
He looked around and took a deep long breath before he held her hand. "Paige Santillan, will you marry me?"
Tulad ng ni-reherse ni Blue, iniwang niya ang mga labi. Inilibot niya ang paningin bago ibinalik 'yon kay Frost habang marahang tumatango. "Yes! Yes, I'll marry you, Frost!"
Muling umugong ang malakas na palakpakan at hiyawan nang tumayo si Frost at halikan si Blue sa labi.
Itinaas ni Frederick ang hawak na wine glass.
"Let's toast for the upcoming biggest event of the year!" Nag-echo ang kalansingan ng mga nagbunggong mga baso at masayang pagbati mula sa mga guest.
Nagpatuloy ang celebration. Kaliwa't kanan ang mga lumalapit kay Blue para bumati. Ilang beses rin siyang isinayaw ng mga lalaking di niya kilala. But she play her part so well. Pangiti-ngiti lang siya at FC sa mga taong naroroon.
"You looked so fabulous, Paige!" Puri ng nakilala niyang si Jenna.
"Thank you!" Winasiwas niya pa ang kamay. "Maliit na bagay!"
Tumawa ito ng malakas saka binalingan si Frost. Kitang-kita ni Blue ang lagkit ng titig nito sa fiance niya— este ni Paige. "And you looked... delectable as always..."
Hahakbang sana ito palapit kay Frost pero pasimpleng pumagitna si Blue sa dalawa at binalingan ang binata. "Let's go to our table? My feet is hurting."
"Okay." Ngumiti ito at inakbayan na siya saka walang kaabog-abog na nilampasan nila si Jenna.
Nilingon pa ni Blue ang dalaga at napansing, kunot noong nakasunod ang tingin nito sa kanila. Nagselos ata? Pero teka, anong karapatan ng babaeng 'yon? Hello, si Paige lang ang may karapatan kay Frost! Kahit na nga ba, parang ipinagkasundo lang ang dalaga. At bilang nagpapanggap na Paige- karapatan niyang pangalagaan anong ang dalaga. Isa na roon si Frost.
Pagtungo sa lamesang laan para sa kanila kung saan naroon si Clarita, ang magulang ni Frost, at ilang tinitingala at kilalang personalidad sa industriya napasabak na naman si Blue sa matinding aktingan.
“Ang tagal na naming nililigawan itong si Paige!” Magiliw na tumawa si Esmeralda Monteclavio. “What do you think, Sweet? Si Laarni ang script writer. Ikaw na lang ang hinihintay ng movie."
“Ang tanong mother ay kung papayagan ba siya ni Frost na tumanggap si Paige ng daring role, after they got married…” tugon ni Clarita na sumisimsim sa kopita nito.
Napangiwi si Blue. Daring role? Diyos ko po! Iyon hinalikan nga siya ni Frost sa labi kanina, kahit dampi lang halos, mag-init na ang katawa niya mula anit hanggang talampakan! Iyon pa kayang makipaglaplapan sa lalaking di niya naman kilala? Oo nga, trabaho ‘yon! Pero hindi siya si Paige! At hindi niya alam kailan ba ‘yon babalik!
Nagkibit ng balikat si Frost. "It's still depends on her," saka nakangiting binalingan ang nobya at ginagap ang kamay nito. "Ikakasal lang kami. I wont take away her freedom. I'll support whatever makes her happy."
Nakagat ni Blue ang ibabang labi nang higitin siya nito at dampian ng halik sa labi sa harapan ng marami.
Nakakarami na ang lalaking ito sa kaniya, ah!
Simpleng tango at ngiti lang ang isinasagot ni Blue kapag nasasali sa usapan. Nang makahanap ng tiyempo ay nagpaalam siya kay Frost na pupunta sa suite na laan para sa kaniya.
Lahat kasi ng guest ay nag-check in sa hotel para doon magpalipas ng gabi. Si Frost ang nag-book ng room niya.
Inihatid siya ni Frost sa elevator. “I’ll come to you later…” Sabay hinalikan siya sa labi.
Hindi mapakali si Blue habang lulan ng elevator. Paulit-ulit na nag-eecho sa isip niya ang sinabi nito. I’ll come to you later…
Hapong-hapo na hinagis niya ang purse sa kama pagkatapos kuhanin ang cellphone sa loob niyon.
Pabalik-balik siyang naglakad habang nag-ri-ring sa kabilang linya. Mayamaya ay narinig niya ang boses ni Dylan.
“Hello, philippines, hello kepyas! This is Dylan! How may I help you tonight—“
"Hello! Kanina pa ako tumatawag sa'yo! Bakit hindi mo sinasagot?" Paasik na bungad ni Blue. Naririnig niya sa background ang maingay na party music.
“Ano na naman problema mo? Nandiyan ba ang fiance mo?”
“He’s not here! Hindi ko alam ang gagawin ko… He kissed me.. not once! But thrice! Can you believe that, Dy? Kalahati pa lang ang binayad sa'kin!"
Wala sa sariling hinawi ni Blue ang makapal na kurtinang tumatakip sa salaming pader. Kitang-kita ang matataas na building at mga kumukutitap na ilaw niyon.
“Ang arte mo! Nagpahalik ka nga sa gilid ng labi! Wag kang pa-virgin! Gusto mo palit na lang tayo! Ako muna magpapanggap na si Paige! Jusko, hottess bachelor in town! Hinalikan yang nguso mo! Dapt mag-thank you universe ka pa nga at gwapo ang first kissed mo!”
Humalukipkip siya at umikot ang mga mata. “Dy, pwede ba? Wala kong pakialam kahit siya pa ang pinaka-gwapo at mabangong lalaki sa buong universe!” Nag-echo na naman sa isip niya ang ibinulong nito kanina.
I’ll come to you later…
Diyos ko po! Una sabay lang sa pag-ligo ang gusto nito, ah! Ngayon mukhang level up na ata!
“Ang kailangan ko ngayon ay makatakas dito! Wala sa usapan na may ganito pa lang eksena! Wala sa usapan na may halik-halik!
"Alin ang wala sa usapan?"
Gulatang na pumihit paharap si Blue. Umawang ang labi niya nang makita si
Frost na kapapasok lang ng silid. Nakasabit sa balikat nito ang hinubad na coat habang nakabukas ang tatlong butones sa itaas. The sleeves of his polo was folded until his elbow, showing the veins on his arm.
Sunod-sunod na napalunok si Blue. Okay. Hindi totoong wala siyang pakialam kahit ito ang pinaka-gwapo at pinaka-mabangong lalaki sa buong universe… Dahil ngayon pakiramdam niya ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan.
"Hey..” lumapit ito sa kaniya. “Are you okay?“
“I’m fine…” umatras si Blue nang subukan siyang hawakan ng binata sa braso.
Kumislot ang muscle sa panga nito. "What's happening to you, hon? Are you really okay?”
"What do you mean by that?"
Tumiim ang titig nito sa kaniya. "It felt like you're a different person, Paige, these past days.”
Damn! Naghihinala na ba ito sa katauhan? Imposible.
“Frost, you’re imagining things..” tinalikuran niya ito upang kalmahin ang sarili. Ang lakas ng t***k ng puso niya, para iyong lalabas sa sa kaniyang dibdib. Subalit nag-triple ang paghahabulan ng pulso niya nang yakapin siya ni Frost mula sa likuran.
Mahinang napasinghap si Blue nang dumaloy ang tila mumunting kuryente sa buong katawan niya. Naalala niya, ganito rin ang naramdaman niya noong unang beses siya nitong yakapin… at hawakan ang dibdib niya…
"Who are you talking to, hmm?" He whispered on her ear, biting it a little.
Huminga ng malalim siya, upang sawayin ang tila mga paru-parong, nagliliparan sa kaniyang sikmura. "K-Kausap ko si Mamshie Claudine.. I asked her about my schedule for tomorrow."
"Haven't you forgotten, Love?" His lips traces kisses on her jawline down to her neck. "Mamshie Claudine, was on vacation 'til next week. She left your schedule with my secretary.."
How so stupid, Blue! How can you forget that! Bigla gusto niyang sampalin ang magkabilang pisngi!
"What now?” Pinigilan niyang mapapitlag at ipinaling ang mukha paharap dito dahilan upang umangat ang tingin nito sa kaniya. “Tell me who is it your talking to…”
Natuon ang paningin ni Blue sa labi nitong, mamula-mula. It was moist and a little thick at the bottom. Tumaas ang sulok niyon kaya napaangat ang tingin niya sa mukha nito.
"You've never looked at my lips like that before…” umangat ang kamay nito papunta sa kaniyang pisngi. “This new you.. I really liked it."
Aktong ilalapat ni Frost ang labi sa kaniya nang sabay bumaba ang tingin nila sa cellphone na kipkip niya sa dibdib.
“Teh, shutangina! Ano na! Nag-s*x na ata kayo diyan! Helloooo!” Sigaw ni Dylan sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ni Frost habang humigpit naman ang hawak ni Blue roon! Pahamak na bruha!
"Who's that?" Nagtatakang tanong nito.
“A-Ah—“ ibinukas ni Blue ang labi ipang magsalita subalit kaagad ring natigilan.
"Blue! Blueberly! Hooooy! Ano na nangyari—"
Pinatay niya ang cellphone at tinulak si Frost palayo sa kaniya. Nakagat niya ang ibabang labi nang matiim itong tumitig sa kaniya.
"Blue? Blueberly..." anas nito habang isinasandal siya sa pader. "Why that man on other line called you that name?"
No! Hindi maaring malaman ni Frost na hindi siya ang tunay na Paige, kundi isang bayarang impostor!
Mabilis siyang umisip ng dahilan. “W-Wrong number! I-I was about to call Mamshie Juday para sa shoot. Yes! Tama! Para sa shoot bukas!“ bumaba ang tingin niya sa cellphone at kunwari pang nag-scroll doon bago tinampal ang noo. “Shocks! Mali pala ‘yong isang number ni tinype ko. Siguro pagod na ‘yong mata ko.”
Pinag-krus niya ang mga daliri nasa likuran. Sana maniwala! Sana maniwala!
Bumuntong hininga si Frost at inalis ang mga kamay na nakatukod sa pader. “Mabuti pa magpahinga ka na.”
Lihim na nakahinga ng maluwag si Blue. “P-Paano ‘yong mga bisita natin.. hindi ba nila ako hahanapin?”
“Sasabihan ko na lang si Daddy. Isa pa, pagod na rin ako.”
“You should rest too…”
“Yeah..”
Iniisip ni Blue na lalabas na ito ng silid at tutungo sa sarili nitong suite. Pero nagtatangka sinundan niya ito ng tingin nang isabit nito ang coat sa rack na nasa sulok saka naglakad patungo sa kama at naupo sa gilid niyon para alisin naman ang sapatos.
“W-Wait…” nilapitan niya ito at pinagmasdan itong maghubad ng medyas. “W-What are you doing?”
Kunot ang noong nag-angat ng tingin ito sa kaniya. “Ah, magpapahinga na rin?”
Pinangunutan rin niya ito. “Ah, bakit hindi ka pa pumunta sa suite mo?”
Ngumiti ito. Yung ngiting parang nang-aakit. Kahit parang hindi naman nito iyon sinasadya. “I will spend my night here with you.”
“A-Ano?! Bakit?”
“Bakit hindi?” Hinawakan nito ang kamay niya, at bago pa mahulaan ni Blue ang gagawin ni Frost— nag-landing na siya sa kandungan nito nang hilahin siya ng binata paupo roon. “Madalas naman natin ‘tong ginagawa di ba?”
Nanigas sa kinauupuan niya si Blue, habang mukhang nag-eenjoy ang kumag sa reaksyon niya.
“G-Ginagawa?”
“Oo…” halos pabulong nitong usal habang pinaglalandas ang hintuturong daliri, pataas sa braso niya. “Kapag burnt out na tayo. We will checked in the hotel and… do this…”
Napatili si Blue nang bigla siya nitong ihiga sa kama at kumababaw…