“F-Frost…” napamaang siya nang maglakad si Frost palapit sa kinatatayuan niya hawak ang napakalaking bouquet ng red roses. “What is this about?” Tanong pa ni Blue a tumingala sa binata nang huminto ito sa harapan niya. “Peace offering..” alanganing ngumiti si Frost na pagkaraan ay sumeryoso rin ang anyo. “I’m really sorry for treating you that way. I promise from now on, ako na mismo ang mag-uupdate sa ‘yo ng schedules ko. I will make time for you. Just forgive me, please?” “Patawarin mo na,” sulsol ni Mamshie Claudine na siniko pa si Blue. “Jusko, sayanv ang acting ko at ang gas ni Manong Elven sa pasikot-sikot natin kanina!” Awang ang labing napalingon si Blue rito. “What… so? Kinasabwat pa kayo ni Frost?” “Yes,” maagap na tugon ng binata na hinawakan ang isang kamay niya. “I need

