"Wait! Love! Please! Listen first!" Natatarantang sabi nito. Pinilit naman ni Blue na pakalmahin ang sarili kahit ang totoo, nag-iinit ang dugo niya sa selos. Sinong hindi uusok ang ilong? Makakasama lang naman ng boyfriend mo ang EX niya! Oo nga, hindi minahal ni Frost si Paige. Pero imposible namang walang namagitan kahit halik at yakap sa dalawa sa loob ng ilang taong relasyon. "Siguraduhin mo lang na valid ang rason na 'yan, Frostancio," babala niya rito. Narinig pa niya itong stress na bumuntong hininga bago muling nagsalita. "Nagkamali raw si Mommy ng booking sa hotel room ni Paige. "What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Blue. "Hindi niya raw napansin ang dates na na-book niya sa hotel room ni Paige. Dapat na susunod na araw pa ang check out. But the receptionist called

