Naalimpungatan at nagising si Blue nang maramdaman ang mahihinang pagtapik sa kaniyang balikat. Dahan-dahan niyang dinilat ang mga mata at nagulat nang bumungad ang anino ng babaeng sabog ang buhok sa harap ng mukha niya. Titili sana siya nang matigilan sa bigla nitong pagsasalita. "Wake up, Dear! Wake up!" Biglang napabangon si Blue. "Mama Catalina!" Akala niya kung sino na. Nanood kasi sila ni Frost kagabi ng horror movie sa home theater dito sa mansyon. Nawala pa sa isip ni Blue na kasama nga pala niya sa kwarto si Mama Catalina. Konserbatibo kasi ang mag-asawang Gambles. Hindi pumayag na magsama silang matulog ni Frost sa iisang silid. Kung alam lang ng mga itong, halos gabi-gabi itong natutulog sa condo ni Paige. "Get up and get ready! We're leaving!" Anitong hinila pa siya

