Chapter 23

1852 Words

"You still mad at me?" Pinaglandas-landas ni Blue ang hintuturong daliri sa braso ni Frost. Nakahiga siya patigilid paharap sa binata habang nakatulala naman ito sa kisame na tila malalim ang iniisip. Kasalukuyang nasa kwarto sila. Pagkatapos ng kanilang intense na love making, binuhat siya ni Frost at maingat na inilapag sa kama. Parehas pa ring walang saplot sa katawan. Ang kumot ay tumatabing hanggang sa beywang nila. Lumingon sa kaniya si Frost saka ngumuso at umirap pa. "Galit pa rin." Hindi napigilang matawa ni Blue. Umisod siya palapit at iniyakap ang braso sa leeg nito. "Really, Frontancio? Ang arte mo!" Inaakala niyang tatawa rin ito pero isang buntong hininga ang pinakawalan ni Frost bago pumihit paharap sa kaniya. Seryoso ang anyong diretso itong tumitig sa mga mata niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD