Andrea Point of View HINDI KO namalayan na nakatulog pala ako ng bumalik ako sa aking kwarto. Hindi ko na nakuha ang cellphone ko. Sana nandoon pa rin iyon sa labas at hindi kinuha ng magnanakaw. Lumabas na ako ng aking kwarto. Nadatnan ko ang mga pamangkin ko na naglalaro at sobrang ingay nila. Umupo ako sa pang-isahang sofa at tiningnan ang mga bata. Sana bata nalang rin ako. Nang sa gayon ay wala pa akong pinuproblema. Hayy.. "Ang lalim nun Andeng ah?" Sandali ko lang tiningnan si ate at ibinalik ang paningin sa mga bata. "Alam mo ba Andeng, nandito si Rooke kanina. Pinapapasok ni mama pero ayaw namang pumasok. Baka magalit ka raw. Ano ba talaga ang problema Andeng?" Napapabuntong hininga akong humarap sa nakakatanda kong kapatid. Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Ayoko po muna

