Andrea Point of View HINDI na nasundan ang date namin na iyon. Ilang araw na kasi siyang hindi nagpapakita at nagpaparamdam. Hindi ko rin naman siya tine-text o tinatawagan. Bahala nga siya sa buhay niya. Mabuti nga iyon eh. Walang mangungulit sakin. Pero bakit ganun? Bakit namimiss ko ang gagong iyon? Because you do like him already. Sigaw ng isipan ko. Oo, hindi ko itatangging gusto ko si Rooke. In fact, mahal ko na nga ata siya eh. Ngunit may pumipigil sa akin. Hindi ko alam kung ano. Kita ko naman ang lahat ng effort na ibinibigay niya. Ramdam ko rin na sincere siya. Pero ewan ko ba. Pagpasok ko sa coffee shop ay sobrang dami ng tao. Hindi naman friday ngayon ah. Hindi rin saturday at mas lalong hindi sunday. Pero bakit ang daming tao ngayon sa shop? Napansin ko ang isang gru

