Andrea Point of View HINDI ako natakot sa banta sakin ng lalaking iyon. Ano naman ang dapat kong ikatakot diba? Wala naman akong ginagawa sa kaniya. May saltik lang siguro ang lalaking iyon kaya ganun. Gwapo nga sana may problema naman sa pag-iisip. Oops! Hihihi. Sana naman malinawan na iyon at huwag na akong guluhin. Nakakabanas din kasi eh. Hindi dahil sa palagi niya akong kinukulit. Kundi dahil sa isa pang dahilan. Kung ano man iyon akin na muna iyon. Pero sige na nga sasabihin ko na. Naiinis ako sa tuwing nandito siya at kinukulit ako kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong humanga sa kaniya. Sino ba namang hindi diba? Kung ikaw ba naman ang lapitan ng ganun kagwapong nilalang syempre hahanga ka or worse baka mahulog ka sa kaniya. Kaya pinipilit ko ang sarili kong huwag human

