Andrea Point of View
MAG-IISANG linggo na simula ng matanggap ako sa trabaho. And I can say everything is smooth. Maliban na lang tuwing Friday to Sunday. Sobrang dami ng costumer.
Pero sa kabila ng ganun ay na e-enjoy ko naman ang ginagawa ko. Nagkakasundo na rin kami ni Maam Alyana. Sobrang ganda niya talaga. Hindi ko ine-expect na magiging kaibigan ko siya. Halos lahat ng kasamahan ko sa trabaho kaibigan ko.
Kasalukuyan akong nagpupunas sa mga mesa. Wala pa kasi masyadong tao.
Hindi pa rin dumarating ang iba kung kasamahan.
"Andeng, itigil mo na iyang ginagawa mong pagpupunas. Magready kana na lang. Diba sa cashier ka naka-assign ngayon? Ipapalinis ko nalang iyang sa iba pagdating nila." Ani ni miss Star sa akin. Kaya itinigil ko naman ang ginawa kong paglilinis at pumunta sa quarter namin para magbihis ng pang cashier.
Palipat-lipat kasi kami ng pwesto every 4 days. Iyon ang patakaran ni maam Alyana. Para daw hindi kamo maburno sa assignment namin kung palagi lang kami na nandoon.
Maganda din naman kasi fair sa lahat. Lahat kami nae-experience ang trabaho ng bawat isa. Kaya nagkakasundo kaming lahat. Isa pa magaling magdala ng mga empleyado si maam Alyana. Idagdag pa na sobrang bait niya na hindi ata marunong magalit.
Nakakamangha lang kasi may tao pa palang ganun. Mabait na, maganda pa, mapagmalasakit pa. Ang swerte ko nga at sa kaniya ako nakapagtrabaho eh. May naging kaibigan ako maliban kay Donna.
Kamusta na kaya iyong kaibigan kong iyon? Dalawang linggo na mula ng huli kaming mag usap. Ano na kaya ginagawa nun? Matawagan nga iyon mamaya pag-uwi ko.
Lumabas na ako ng staff room at pumwesto na sa pwesto ko. Unti-unti ng nagsidatingan ang mga costumers.
"Good morning maam. What is your order po?" Nakangiti akong nagtanong sa unang costumer ko ngayong araw.
"Pwede bang mag-suggest ka ng masarap?" Sagot niya na mukhang undecided nga kung ano ang o-orderin niya.
"Ay naku maam! Lahat po ng nakalista sa menu namin puro masasarap. Kaya ang isa-suggest ko po orderin niyo nalang lahat maam. Hindi po kayo magsisisi." Bibo long saad sa costumer. Nakita ko siyang ngumiti na para bang napapantastikohan sa akin.
"Hindi ba ako tataba sa sinasuggest mo miss?" Nakangiti siyang nagtanong ulit.
"Hindi iyan maam. Ngayon lang naman iyan eh. Huwag po kayong mag-alala maam." Malapad akong ngumiti sa kaniya.
Tumawa na ng tuluyan ang costumer.
"Haha. Sige na nga. Iyong cheese cake na lang at isang brewed coffee." Pilyo akong ngumiti at ipinunch ang kaniyang order.
"Mga fifteen minutes lang po maam ha?" Paliwanag ko at ininstruct siya na maupo muna.
Ipinagawa ko na ang order at naghintay.
Ipinaserve ko kaagad iyon sa babae at bumalik na sa may cashier.
Marami-rami rin ang naging costumer ko bago ako nag break. Grabe! Sobrang dami talaga ng tao. Dagsa ng dagsa parang hindi mauubusan ng costumer. Kung malaki lang talaga itong coffee shop tiyak na mas marama pa ang tak.
Balita ko pa naman mag e-expand at magpapatayo ng ibang branch si maam Alyana. Sana matuloy para hindi na masyadong busy dito sa branch namin.
Dahil kapag may iba ng branch hindi na dadagsa ang mga tao dito.
Lumabas muna ako ng shop para kumain. Hindi kasi ako kumportableng kumain doon sa loob. Mas gusto ko iyong ako lang kaya nagpunta ako sa tagong lugar at doon kumain.
Ang weird ko lang diba? Hayaan niyo na. Ito ang gusto ko eh.
Matapos kumain ay bumalik na ako kaagad sa shop. Baka pagalitan na ako ni maam Star.
Papasok na sana ako ng biglang may sumingit at naitulam ako ng bahagya. Muntik pa akong mabuwal. Mabuti na lang ag mabilis ang kilos ko.
Nakita ko ang likod ng isang lalaki na pumasok na sa loob ng shop. Nagmadali akong pumasok at pabiglang hinila ang damit ng lalaki.
Walang modo kasi eh. Humanda ka sakin ngayon.
"Hoy Lalaki!" Humarap sa akin ang lalaki ng nakakunot noo.
"Ikaw na naman?!" Singhal niya. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Kilala ko ba siya? Makaasta naman ito parang close kami ah.
Tinaasan ko siya ng kilay at pinameywangan.
"Hoy! Hindi kita kilala. Kung maka naman ka diyan ah! Hindi mo ba alam na muntik na akong masupalpal at mahalikan ang sahig kanina?! Wala ka bang manners sa katawan at nanunulak ka na lang bigla-bigla?!" Umuusok ang ilong ko dahil sa lalaking ito.
Nakakabwisit! Kung hindi lang talaga ako marunong bumalance ng katawan tiyak na supalpal ako kanina.
"I don't care. Bakit ka ba kasi haharang-harang? Oh wait. You did it on purpose para mapansin kita? I'm sorry lady but like the last time you are not my type." Mayabang itong ngumisi at tinalikuran ako.
Ano raw? Ano ang sinabi niya? Tiyaka last time daw?
Kumunot ang noo ko at nag-alab ang aking mga mata. Na aalala ko na. Siya iyong lalaki noong kasama ko si auntie. Aba nga naman. Ang hangin talaga ng tsonggong ito!
Binatukan ko siya. Kaya agad siyang napaharap sakin. Nangagalaita ang kaniyang mga mata sa aking ginawa.
"Asa ka naman tsong! Ikaw?! Pagkakainteresan ko?! Ang taas ng tingin mo sa sarili mo oy! At para malaman mo rin hindi din kita type!" And with that I punch his face.
Serves him right!
Tapos ay naglakad na ako papuntang staff room. Ang yabang talaga ng lalaking iyon. Akala mo kung sino eh.
Nababadtrip na tuloy ako. Langyang lalaki talaga iyon.
Ang sakit tuloy ng kamay ko. Huhu.
--
MAAGA akong nag paalam kay maam Star para umuwi. May lalakarin daw kasi kami ni auntie ngayon. Hindi ko alam kung saan. Ang sabi niya na lang kung maaari ba daw na maaga akong umuwi galing sa trabaho.
Mabuti na lang pumayag si maam Star. Si maam Alyana naman hindi pumasok ngayong araw. Ano kayang nangyari sa kaniya?
Kinuha ko na ang bag ko at nagpaalam ulit kay maam Star.
"Maam Star, mauuna na po ako sa inyo." Paalam ko.
"Sige Andeng. Mag-iingat ka pag-uwi mo." Habilin niya na tinanguan ko naman.
Nakangiti akong lumabas ng shop. Ang saya lang talaga sa pakiramdam na makapagtrabaho ka. Kahit na nasa maliit ka lang nagtatrabaho malaking bagay pa rin iyon. Kasi kahit maliit may makukunan ka ng pera. Pera na pinagpaguran mo.
Ganito pala ang pakiramdam ng magtatrabaho. Mahirap, oo. Pero nagbibigay saya dahil alam mong makakapagpadala ka ng pera sa pamilya mo. Kahit na sabihin na nating hiyang ako kela auntie pero hindi naman ako umaasa sa ganun.
Nagsusumikap pa rin ako para gumaan naman kahit papaano ang buhay namin.
Nag-aabang na ako ng masasakyan ng may humila sa bag ko.
"Ano ba!" Singhal ko.
"Nahuli din kita. Do you think I'll let you pass what you did to me earlier?" Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa lalaking sinapak ko kanina.
Galit itong nakatingin sa akin na ano mang oras ay sasapakin niya na rin ako.
Hindi ako natatakot sa kaniya. Taas noo ko siyang tiningnan.
"Bakit? Sasapakin mo rin ako?! Huh! Bakla ka yata eh! Pumapatol ka sa babae?!" Umaasim ang mukha niya sa sinabi ko.
"What did you just say? Sinabi mo bang bakla ako?" Malamig niyang tanong. Napalunok ako medyo natatakot na ako.
Sa uri ng pananalita at tingin niya. Parang hindi na nga ako nito sasantuhin.
Kahit na natatakot ng bahagya ay matapang ko pa rin siyang hibarap.
"Oo. Talaga naman eh! Bakla ka! Pumapatol ka sa babae. Ang yabang mo kasi akala mo kung sino ka namang gwapo! Bakit kamukha mo ba si Channing Tatum? Kamukha mo ba si Zac Efron para pagkainteresan kita?! Ang kapal talaga ng mukha mo eh no?!" Mukhang naiinis na nga siya mga pinagsasabi ko. Mga walang sense naman kasi ang lumalabas sa bibig ko.
"Shut up. Bakit ba ang daldal mo? You are so talkative!" Aba! Pakialam niya ba kung madaldal ako?
"Pakialam mo ba? Edi dumaldal ka rin kung naiinggit ka! Bakla ka talaga!" Sigaw ko ulit at tinalikuran na siya. Wala rin siyang sense kausap. Tsk.
"Hoy babae! Hindi pa tayo tapos mag-usap! Bumalik ka rito!." Hindi ko na siya pinansin pa at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad. Bahala siya sa buhay niya.
Hinila na naman nito ang braso ko. Kaya nasampal ko na naman siya.
"Last na iyang ginagawa mong paghila ha! Makakatikim kana tala--" napatigil ako sa pagsasalita at nanlalaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
H-hinalikan niya ako. Naglapat ang mga labi naming dalawa! Ahhh!!
Nang matauhan ay naitulak ko siya na sampal na naman ulit.
"Manyak ka!" Tapos ay pinagbabato ko siya. Hayop! Magnanakaw ng halik. Sinasagang niya naman ang ginawa kong pagbato at palo.
Naiiyak na ako. Ang first kiss ko!! Huhuhu.
Tumakbo nalang ako at umalis sa lugar na iyon.
Narinig ko pa siyang sumigaw bago ako tuluyang makaalis.
"I'll see you again miss psycho!"
Wahhh. Manyak ang lalaking iyon.
Lord sana hindi ko na siya makita pang muli. Amen.