Chapter 2 - Arrived in Manila

732 Words
Andrea's Point of View "Magandang buhay Manila." Nakangiti akong dumungaw sa bintana ng kotse nila auntie at ginaya ang ginagawa ng mga bidang babae sa isang pelikula kung saan natutuwa sila na nakasakay sa kotse. Narinig ko ang pagtawa ng auntie at ng asawa niya dahil sa ginawa ko. "She's such a bubbly girl, darling." rinig kong kumento ng asawa ni auntie habang nagmamaneho. "It's not a mistake that we ask her to come with us dear. I am sure there's more of that will come in few days, right Andrea?" Binalik ko ang ulo ko sa loob ng kotse dahil sa pagtawag ni auntie sakin at ngumiti lang ako bilang sagot. Naiiling naman si auntie na tinuon pabalik ang paningin sa harapan. Naramdaman ko din ang pagtigil ng sasakyan kaya nagtataka akong nagpalingon-lingon. Nasa gitna pa naman kami ng kalsada. "Argh! This is what I hate about Manila. Traffic is worst in here." Rinig kong reklamo ni tito Steve, na siyang asawa ni auntie. "There's nothing we can do about it darling." Paglalambing ni auntie kay uncle na kinangiti ko nalang. Ang sarap siguro nilang maging magulang. Nang umusad na ang traffic ay ilang minuto lang ang binyahe namin at nakarating na kami sa bahay nila auntie. Sobrang namangha ako pagkakita ko sa bahay. Hindi ito gaano kalaki ngunit sinisigaw nito ang karangyaan mula sa labas. Ang galing! Makakatira na ako sa isang malaki, sosyal at pangmayaman na bahay. "Wow, auntie! Sobrang ganda po ng bahay niyo." Manghang-mangha ako sa aking nakikita. Tunay nga na nag e-exist ang mga ganitong bahay at mga kagamitan. Noon sa mga palabas at mga pelikula ko lang nakikita ngayon nasa harap ko na, mahahawakan at matitirhan ko pa. Grabe! Umakyat kami sa ikatlong palapag ng bahay at nakakamangha ang lawak. "Ito ang magiging kwarto mo Andeng. Ipapaayos ko nalang kay Konching ang mga gamit mo. So you could take a rest for a while. Alam kong pagod ka sa biyahe kaya please be comfortable and feel at home. Huwag kang mahihiya." Saad ni autie pagkatapos buksan ang isang pintuan kaya sinilip ko ito. Sobrang lawak ng kwarto na animoy umuukopa sa buong palapag. Nagtataka akong napatingin kay auntie. "A-Akin po talaga tong kwartong ito auntie?" Nahihiya at hindi makapaniwala kong tanong sa auntie ko. Hindi sumagot si auntie bagkus ay niyakap niya ako ng mahigpit. Nagugulahan man ay niyakap ko nalang din si auntie. Paliramdam ko tuloy maiiyak ako at hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Si auntie kasi sobrang drama eh. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman ni auntie. Minsan nga naaawa ako sa kaniya eh kasi sobrang tagal na nila ng asawa niya ngunit hanggang ngayon wala pa rin silang anak. Kaya alam kong nangungulila siya sa isang anak. Matagal na niyang hangad iyon ngunit hindi maibigay-bigay sa kaniya. Nang humiwalay si auntie sa yakap ay may ngiti na siya sa labi niya. "Sige na. Magpahinga kana muna. Ipapatawag nalang kita kapag kakain na ha?" Tumango ako sa sinabi ni auntie at pumasok na sa kwarto na sinabi ni auntie. Mangha pa rin akong nagpalibot ng tingin sa kwarto at ng makita ko ang kama ay malapad akong ngumiti at tinalunan ito. Hay! Sobrang sarap sa pakiramdam ng ganito. Sana pati sila mama maranasan din to. "Siguro kalat na ngayon sa amin na nakaalis na ako. Mga tsismosa at tsismosa pa naman ang mga tao doon sa amin." Kinuha ko ang aking keypad na cellphone na naglalaman ng samu't saring litrato ng mga korean artist at groups na iniidolo ko. Kasama na rin dito ang mga ebooks na hiningi ko pa sa mga kapitbahay naming adik sa w*****d. Tinawagan ko si Donna para ipaalam sa kaniya na nandito na ako sa wakas sa Manila. "Hello?" Malamig naman ang boses ni Donna. Tiyak kong may nangyari na naman sa kanila. Pero nasanay na ako. Araw-araw ba naman kasing ganyan siya sakin eh. "Donna! Nakarating na kami. Grabe! Sobrang ganda ng bahay nila auntie, besh." Pagtilitili ko sa kaniya. "Oh tapos?" Malamig niya pa rin na tanong. "Wala lang. Gusto ko lang ipaalam sayo, Donna. Sige, magpapahinga na muna ako napagod kasi ako sa biyahe." Sabi ko nalang at hindi na hinintay ang sagot niya. Hay si Donna. Kawawa naman ang kaibigan kong iyon. Makatulog na nga lang muna. Mas importante ang beauty rest kesa sa stress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD