Chapter 2

1069 Words
Nang makarating kami sa venue ay bumaba ang driver at pinagbuksan ako ng pinto, ngumiti ako at nagpasalamat bago nagtungo sa lobby ng hotel na paggaganapan ng Reunion. Agad akong sinalubong ni Leslie na nakablack gown "Wow! Best! Ang ganda ganda mo!" tili niya habang nakayakap sa akin "Talaga Best?" tanong ko sabay tawa Napansin kong napatigil siya dahil sa pagtawa ko kaya ngumiti ako sa kanya. Alam kong hindi niya inaasahan na tatawa ako ngayon dahil nga sa nangyari "Masaya ako kasi nakakatawa ka na.. I haven't seen that smile for a long time" nakangiti niyang sabi. "Yeah, me too~ But don't worry.. You'll be seeing this smile for a long time" "Anyway, I hired an escort for you para naman hindi ka nagiisa all night long" "Ano? Best.. hindi ko kailangan ng escort" giit ko sa kanya sabay iling pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay naglakad ito papunta sa may pintuan ng event hall at hinigit ang isang lalaking naka-black suit. "I believe you two know each other" pagkasabi niya nito ay ngumiti siya ng malapad atsaka pumasok sa loob Yung babaeng yun talaga! Hindi pa nga ako lubusang nakaka-move on kay Lance pero isine-setup na naman niya ako. Psh! Tumingin ako sa kanya at saka nagsalita "Pasensya ka na dun ha~" "Okay lang. Anyway, shall we?" inoffer niya ang kaliwang braso niya sa akin para kapitan. Humawak ako sa braso niya saka naglakad papasok sa loob ng event hall. Naramdaman kong unti-unting lumakas ang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa posibilidad na magkita kami ni Lance kundi dahil nakakapa ko ang matigas na braso ng lalakeng ito, grabe ang muscles! Yummy~ Ay, boset! Magtigil ka nga Shey baka mamaya mahalata niyan na tinatiyansingan mo siya. "You're beautiful so smile" rinig kong sabi niya Napangiti ako nang makita ko siyang nakangiti sa akin. Ang mga ngiting yon ay ang klase ng ngiting puno ng pagmamahal, teka.. ano bang pinagsasabi ko? Pagmamahal? eh kanina lang kayo nagkakilala diba? pagmamahal agad? atsaka hindi ka pa ba nadadala? Hay nako! "Oh my god, is that Shey Montecillo?" rinig kong bulong ng mga babaeng nadadaanan namin Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang salubungin kami ni Lance. "Hi Shey" bati niya sa akin. "Lance." Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap na kaya ko na, ang totoo hindi pa pala, hindi ko pa pala siya kayang makaharap feeling ko malulusaw ako sa kinatatayuan ko. Nararamdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at ang panlalamig ng buo kong katawan, oo, malungkot ako at nasasaktan pa rin sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makagalaw, gusto kong tumakbo palayo at umiyak pero hindi ko magawa. Naramdaman ko ang mainit na bagay sa kamay ko na nagpabalik sa akin sa katinuan. Hinahawakan na pala ng lalaking kasama ko ang aking kamay, isang mahigpit na hawak na tila nagsasabing huwag ako mag-alala "So.. you are Lance? I have to thank you" sambit niya sabay ngiti ng malapad "For what?" kunot-noong sagot ni Lance, halata sa mukha nito ang pagkaiyamot sa kasama ko dahil sa pagsabat nito. "Thank you for letting Shey go. Kung hindi dahil sayo I won't have the chance to meet her at her worst and fall in love with her at her best" sagot niya. Nagtatanong ang mga mata kong napatingin sa kanya at ngiti lang ang tanging naging sagot niya sa akin. "Let's go, Babe~" sambit niya saka ako hinila palayo kay Lance. Agad kaming sinalubong ni Leslie sa di kalayuan at saka dinala sa table namin. Dali-dali akong umupo sapo ang aking ulo, hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko, feeling ko sasabog ako anytime. "My god.. Shey are you okay?" tanong sa akin ni Leslie "Gusto ko na umuwi, Les" sagot ko sa kanya. Habang tumatagal ay palalim ng palalim ang paghinga ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko, gusto kong umiyak pero hindi ko magawa, ayaw lumabas ng mga luha ko. "Here, drink this" rinig kong sabi ng lalaking kasama namin sabay abot ng isang basong tubig. Kinuha ko ito at ininom Huminga ako ng malalim saka lumingon sa kanya. "Bakit mo ginawa 'yon?" mahina kong tanong "Kung hindi ko ginawa 'yon baka umiiyak ka na sa harap niya at ayoko makitang mangyari 'yon" "Ayaw mong makita akong umiiyak? "Ayoko makitang umiiyak ang isang babae ng dahil sa walang kwentang lalake" iwas tingin niyang sagot sa akin. May itatanong pa sana ako nang biglang nagsalita ang MC kaya hindi ko na lang itinuloy. Nagsimula na ang program at eto kaming tatlo nakaupo lang dito sa harap ng lamesa, maya maya pa ay may ipinapanuod sa aming video. It's a compilation of our pictures nung high school pa kami, it came to a part where the word "Couples" is written. I expected pictures of me and Lance but instead a video showed, yun ay nung gumawa siya ng event para tanungin ako kung pwede na niya ako maging girlfriend. Huminga ako ng malalim at naramdaman kong hinawakan ni Leslie ang kamay ko kaya lumingon ako sa kanya at ngumiti "Are you okay?" tanong niya. "Im okay, Best" mahinahon kong sagot sa kanya Nang matapos ang video ay inannounce na ng MC na pwede na kaming kumain and so we did. Simula sa pagtayo, sa pagkuha ng pagkain hanggang sa makabalik kami sa aming lamesa ay inalalayan ako ng lalaking ito, wala man sa itsura niya ang pagiging gentleman pero nagpapasalamat na rin ako at kinuha siya ni Best para maging escort ko ngayong gabi. "Pinsan!" tawag ni Leslie sa lalaking katabi ko ngayon "Pinsan? Magpinsan kayo?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Magpinsan pala silang dalawa. "Yeah, unfortunately" sagot ng lalaki "Sandali.. ano nga ulit pangalan mo? Ikaw yung sa salon kanina diba?" tanong ko sa kanya "My name is Viel. Viel Corpuz" sagot niya sabay lingon kay Leslie "What do you need?" irita niyang tanong kay Leslie "Pwede mo ba kaming ikuha ni Best ng maiinom? Hindi ko na kasi kinaya eh, dalawang plato yung dala ko" nagpapacute siya habang sinasabi ang mga yon. Wala nang nagawa si Viel kundi ang tumayo at kumuha ng inumin. Busy kaming dalawa ni Leslie sa pagkain nang maramdaman kong may nakatayo sa tabihan ko kaya lumingon ako at pagtingin ko sa kanya, Si Lance. "Hi Shey" bati niya sa akin at mukhang nakainom pa yata ang siraulong to. Tumayo si Leslie kaya napatayo na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD