Chapter Two: 11:02

3121 Words
Chapter 2 16 years ago "Hindi mo naman kailangang gawin ito." sambit ng isang lalaking hawak- hawak ang aking kamay. "Patawad, Ginoo. Patawad." Napayuko ako dahil tumulo nang lubos ang aking mga luha. Unti-unting bumagsak ang aking katawan sa malamig na sahig. Nakita ko siyang naglalakad papalayo bago tuluyang lumabo ang aking paningin. "Patawad. . ." Nagising na lamang ako sa kotse kung saan dumudugo ang gilid ng aking noo. Nilibot ko ang aking mga mata sa buong paligid at kitang kita ko ang pagbanggaan ng mga modernong karwahe. Nasa harapan ako at may isang lalaki na nakayuko na ngayon at mukhang wala ng malay. Bigla na lang sumakit ang ulo ko at tila naghahalo-halo ang lahat ng aking ala-ala mula sa nakaraan. Napahawak ako sa dalawa kong tenga at pinikit ang aking mga mata. "Mahal kita." Napadilat ako at napahawak sa dibdib ko. Ang huli ko na lang natandaan ay orasan. Napatingin ako sa mga kamay ko at doon ko nakita ang aking sarili dahil sa isang basag na salamin. Napahawak ako sa bibig ko at noo kong nagdurugo. "Ezra, Gumising ka!" rinig kong sigaw ng babae bago ko pinikit ang aking mga mata. Sandali, Sino si Ezra? Minulat ko na ang mata ko. Nagising na lamang ako sa isang kwarto na puti ang mga kurtina. May naamoy akong tubig na ang sarap sa pakiramdam at napakahalimuyak. "Doc! Gising na po siya!" Nagmamadaling tawag ng babae na ngayon ay nangiyak-ngiyak na. Dumating naman agad ang doktor at lumapit sa akin na may hawak na panulat at papel na nasa isang matigas na kahoy ngunit manipis. "Ezra? May naalala ka na ba?" diretsong tanong niya sa akin. "Nasaan ako at sino si Ezra na tinutukoy mo?" nauutal kong sabi ngunit gusto ko itong sabihin ng diretso. Bigla na lamang nagbago ang kanilang emosiyon. Nagulat ang doktor at lalong umagos ang luha ng babae kanina. "Ikaw si Ezra Villamor! Nakita ka ng iyong ina na naaksidente pagkatapos ng iyong klase at ihahatid ka na sana sa inyong bahay! Wala ka pa rin bang naalala? Nasa ospital ka ija!" kunot na noo na pagpapaliwanag ng doktor. "Wala. Wala akong naalala," diretso kong sagot. Bigla na lamang siyang nadismaya at unti-unting hinarap si Mama habang nakatingin parin sa akin. "Hayaan niyo nalang po muna siya magpahinga. May posibilidad rin pong magkaroon siya ng amnesia dahil na rin sa pagkabagok kung di maagapan," malungkot na sabi ng doktor at tuluyan nang umalis. Tumingin naman agad sa akin ang babae na ngayon ay namamaga na ang mata saktong pagkalabas ng doctorn. Ngayo'y unti-unti niyang hinahawakan ang aking isang kamay. "Ezra! Hindi mo ba talaga ako naalala? Ako ang iyong ina!" mahinang sabi niya at umiyak na naman muli. Agad naman akong nakaramdam ng lambot sa puso. Dapat siguro'y maging handa na ako sa posible pang mangyari sa akin. The first time. . . When I first met my new life as a girl I didn't know who I was. I don't know my old name. I just know that I came from somewhere. Feb 20. 2006 Nailabas na ako ng ospital at natuto na rin akong makibagay sa paligid. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa katawan ng batang ito. Ang alam ko lang hindi ako dapat sa katawan niya. Nalaman ko ang pangalan niya dahil 'yon ang tinatawag nila sa akin. Si Ezra ay walong taong gulang pa lamang at naaksidente sa pagbanggaan ng kotse. Mayroon siyang mapagmahal na ina na si Stella at masipag na ama na si Eliazar na kung saan kinuha ang pangalan niya. Namumuhay siya ng simple sa isang bahay dito sa siyudad at mayroon silang restaurant. Hindi ko talaga alam kung anong klase akong nilalang. Isa ba akong multo o kaluluwa na nawawala? Kung mandito ako sa katawan ni Ezra, nasaan na siya? "Ezra! Kumain ka na," tawag sakin ng itinuturing kong ina na si Stella. "Opo, Mama," tugon ko at pumasok na sa loob. Natutunan ko na rin kung paano magsalita ng normal, may slang at salitang minadali. Gaya ng ganyan, yun, yon at yan. Pagkatapos naming kumain ay tumungo na ako agad sa kwarto. Nasanay narin ako dito lalo na't napakomportable ng higaan at nababalot ng asul ang buong kwarto na nakakaagaw ng pansin ko. Siguro'y ito narin ang paborito kong kulay. Simula ng naaksidente ako, napansin kong parang may kakaiba ang nangyayari sakin. Hindi ko muna ito sinabi sa mga magulang ko dahil baka hindi rin nila maintindihan. February, The first moment I discovered my powers. Dec. 20, 2010 "Happy Birthday Ezra! Happy Birthdayy Ezra! Happy Birthdayy! Happy Birthday!" Napaiyak na lamang ako sa pag-supresa sakin ng ganito. Ngayon lamang ako nakaranas ng kaibigan at magulang na 'di mo mapapantayan ang pagmamahal sa akin. At sisiguraduhin kong papahalagahan ko sila buong buhay ko. "Anak! Wag kang umiyak! matutunaw na ang kandila! Ihipan mo na!" biro na Papa na ikinatawa ko. Sumisigaw naman ang kaklase ko ng 'Ihipan' ng paulit-ulit. Kaya inihipan ko nalamang iyon at saka sila nagpalakpalakan. Kasabay ng masaya kong nararamdaman sa nasabi ko kanina ay bigla na lang napawi ang ngiti ko ng mahawakan ko ang kamay ni Papa. Bigla na lang ulit tumambay ito sa isipan ko. 'Hindi ko sinasadya!' "Ezra, anak? Anong nangyayari sayo?" tanong ni Mama ng mabitawan ko ang plato at nabasag ito. Nagkatinginan na lamang sa akin ang mga kaklase ko at tumigil na rin ang kasiyahan nila kabilang ang tugtog at ngiti sa mga mukha nila. Tumakbo na lamang ako palabas ng restaurant at lumayo ng distansya. Hinabol man ako pero 'di na nila ito nagawa dahil nakasakay na ako ng bus papuntang bahay. Huli kong nakita ay naiwan na lamang si Mama na tulala at hingal na hingal kakahabol sa akin. Hindi ko pa sila kaya kausapin. Hindi ko parin tanggap. My birthday.. Ang araw na nalaman ko kung ano ang ikakamatay ng aking ama at hindi ko ito mapigilan. Sinara ko na ang diary ko at inilagay 'yon sa loob ng drawer. Kinuha ko ang suklay at napatitig sa salamin. Simula nang araw na iyon ay iba na ang trato sa akin ng mga taong nasa paligid ko. I became an outcast at school. I prefer to be alone. I don't want to talk to anybody. I can't even socialized from other people. Until, I went to College. Nakilala ko si Blake. But I can't change the fact that we broke up. Si Justine na lang ang naging close ko. Kaya noong mangyari ang sunog kahapon, hindi na ako mapakali simula noong mawala siya sa tabi ko. Bumaba na ako sa sala at nakita ko si Mama na nanonood ng balita tungkol sa sunog kagabi. Hindi namin sinabi ni Justine na doon kami galing dahil alam naming mag-aalala lang siya. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang nangyari kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako nasama sa panaginip ko. Wala akong ideya kung bakit nangyari 'yon. Umakyat na lang ako ulit sa taas dahil baka matanong ako kung saan kami nag-grocery ni Justine kahapon. Sinara ko ang pinto at umupo sa kama. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Alexis. Kinuha ko ang laptop ko at sinubukan hanapin siya sa f******k. Sobrang daming tao ang may kaparehas sa pangalan niya at wala naman akong nakitang kamukha niya. Sinara ko ang laptop ko dahil biglang pumasok si Justine ng kwarto. "Hoy, bakit hindi ka kumatok?" sabi ko at inirapan siya. Hahampasin ko na sana siya ng unan pero kita kong malungkot ang mukha niya at nakayuko siyang umupo sa kama ko. "What's with the face?" tanong ko at binaba ang hawak kong unan. "Have you check your email?" walang ganang tanong niya sa akin. Umiling ako at binuksan ulit ang laptop ko. Binuksan ko ang sss ko at nakita ko ang email na galing kay Tita, 'yong mama ni Justine. Binuksan ko ang letter at binasa ko ang nakalagay. "Your mom is getting married today?" gulat na tanong ko. Hindi sumagot si Justine at lalabas na sana siya ng kwarto. Shocks, It's been a week. I haven't check my mails for a week. "Why asked me?" he replied. It's actually one of the reason why Justine decided to live with us. He's not in good terms with his mom. His parents separated when he was a child. Lagi namang gusto ni Tita na kunin si Justine. Si Justine lang ang ayaw. Parang nanay na rin kasi niya ang turing niya kay mama at ayaw na niyang bumalik sa bahay nila. "You're going?" tanong ko ulit. Lumingon siya sa akin at umiling. Sinara ko ang laptop ko at tumayo. "You should come. I'm coming with you." I said and smiled. "Why go there? I'm not sure if I can face her." sagot niya. Huminga ako ng malalim at tinulak siya palabas ng pinto. "Pupunta ka o sabihin ko kay Mama na simula ngayon patirahin ka na sa nanay mo." Sinimangutan niya ako at bumaba sa sala. Nakita namin si Mama na paalis na para magbukas ng shop. "Justine, Kasal ng mama mo. Pupunta ka ba? Tell her I can't go. Nagpadala na ako ng sulat at regalo sa kaniya." Nakangiting sabi ni Mama at sinenyasan ako. Lumabas na si Mama at nagpaalam na rin ako sa kaniya. Bumalik ako sa loob ng bahay at hinarap si Justine. "So, Shall we?" tanong ko. Tinulak ko siya sa loob ng kwarto niya at agad akong dumiretso sa kwarto ko. Agad akong naghanap ng damit na masusuot sa kasal. Hindi naman ako pwedeng pumunta doon na naka t-shirt at pantalon. Kinuha ko ang dress na bigay sa akin ni Zion. Isang beses ko lang nasuot 'to. Tinago ko kasi simula noong naghiwalay kami. Sinukat ko ito at humarap sa salamin. Napangiti na lang ako dahil kasya pa ito sa akin. Lumabas na ako ng pinto at nakita ko si Justine. Naka formal attire siya at agad siyang napatingin sa suot ko. "Tss, You're not move on with Blake?" he smirked. Ngumisi rin ako at tinulak siya pababa. "Wala lang akong masuot." sagot ko at hinanda na ang dadalhin ko sa baba. Umalis na kami ni Justine at bumili na rin ako ng bulaklak para ibigay kay Tita. Pumasok na kami ng simbahan pero mukhang late kami dahil nasa harapan na ang bride. Pumwesto kami ni Justine sa likod at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "It's okay. At least, you've come." I stated. "You may now kiss the bride." rinig kong sabi ng pari kaya natuon ang atensiyon ko sa harap. Nang sa oras na makita ko na naglapat ang mga labi nila ay bigla na lamang ako ulit nakaramdamam ng pagkahilo. Napaupo ako sa upuan ng simbahan at kita kong napalingon rin sa akin si Justine. Napahawak ako sa ulo ko at nakita ko na naman ang presensiya ng lalaking 'yon sa ala-alang hindi ko naman matandaan kung kailan nangyari. I saw him kissing me. "Ezra!" Napatingin ako kay Justine at hinawakan niya ang ulo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat. Masama ba ang pakiramdam mo? Umuwi na kaya tayo," yaya niya. Umiling naman ako at saka tumayo. "No! Ano ka ba? Nahihilo lang talaga ko minsan. I'm fine, Trust me." Napatingin ako kay Tita at nakita kong nakatingin rin siya sa gawi namin. Napatingin ako kay Justine at nakita ko siyang yumuko at umiwas ng tingin. Lumabas siya ng simbahan kaya agad ko siyang sinundan. He's not okay. It hurts to see your mom getting married with someone. It must be hard for him to accept the fact. Naupo kami sa hagdan ng simbahan sa may gilid. Nakatulala lang siya at kita kong unti-unting tumulo ang mga luha niya. "If I saw you laugh, I'll kill you." he sobbed and wiped his tears. "Justine, It's okay. Huwag mong pigilan ang luha mo. Hindi mo naman ikamamatay kapag umiyak ka." seryosong sambit ko. Nanahimik ako at doon lumakas ang pag-iyak niya. Tanging naririnig ko lang ang mga hikbi niya at hinayaan ko lang siyang umiyak. Tinapik ko ang likod niya at nilagay ang ulo niya sa balikat ko. "Did she abandoned me, Ezra ?" he said between his sobs. Tinuloy ko lang ang pagtapik ng likod niya. He's like my twin brother. Sabay na kaming lumaki at siya lang ang taong kilalang kilala ako. "No, Atine. You can talk to your mom. Stop whining and talk to her like a man." I suggested. Habang nasa balikat ko si Justine ay may natanaw ako sa malayuan. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kaniya at sinubukan kong ilapit ang paningin ko. Agad akong tumayo nang mapagtantuhan at makita ko si Alexis sa dulo ng simbahan. "Justine, Sandali lang. Babalik ako," nagmamadaling sabi ko. Tumakbo ako at hinanap si Alexis pero nawala siya bigla sa aking paningin. Nakita ko siyang naglalakad sa kabila pero hindi ko na siya mahabol. Dahil ang paningin ko ay nasa gawi ni Alexis ay hindi ko nakita ang dinadaanan ko at may nakabangga akong tao. Agad kong tinulungang kunin ang gamit na nalaglag ng nakabangga ko at magmamadali ring umalis. "I'm sorry." Lumingon ako ulit at tumakbo pero tuluyan nang nawala si Alexis at hindi ko na siya nakita pa. He's the answer to all of my questions. I must find that guy. "Wait, Ezra?" Napatingin ako sa taong tumawag ng pangalan ko. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Zion pala ang nakabangga ko kanina. Sandali, Anong ginagawa niya sa kasal ng mama ni Justine? "Blake?" kunot-noong tanong ko. Napatingin siya sa damit na suot-suot ko at saka napangiti ng mapait. It's a misunderstanding. Sinuot ko 'to dahil wala na akong damit. Nagmamadali kaya ako kanina! "It's been a while." Nakangiting sabi ni Blake. Narinig kong may tumawag sa kaniyang babae mula sa loob at humawak sa braso niya. "Hey, Blake. What are you doing here? Let's go inside," tawag ng babae at hinila siya sa loob. "Uhm. You go, first. Susunod ako." Ngumiti si Zion at pumasok na rin ang babae sa loob. She looks beautiful. Nakahanap na rin siya ng babaeng para sa kaniya. Tumango na lang ako at nginitian siya pabalik. Naglakad n ako pabalik kay Justine pero bago ko tuluyang lagpasan si Zion ay hinawakan niya ang braso ko. "Regan, Let's talk somewhere." *** Dinala niya ako sa ice cream parlor na malapit sa simbahan. Tinext ko muna si Justine na hintayin ako sandali pero hindi ko na sinabi ang dahilan. Naupo na si Blake dala-dala ang ice cream na inorder niya. "The dress suits you. It's really beautiful. I thought you didn't want to wear that that's why I smiled when I saw you earlier," he said and looked at me. "Ah, Wala kasi akong masuot kanina sa kasal ng mama ni Justine kaya ito na lang ang sinuot ko," sagot ko sa kaniya at kinain ko ang ice cream. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Hindi rin ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. "That Justine? Her mom's getting married?" he asked. Hindi naman sila nagkakilala at nagkita ni Justine nung kami pa. Justine and I were not in the same school. They had never get in touch, "Yes. He must need me right now. May sasabihin ka pa ba? I'm sorry but I have to go. Baka hinihintay ka na rin ng girlfriend mo 'ron," "Girlfriend? You?" he asked. "Excuse me?" I asked and raised my eyebrow. "Ah. I'm sorry. You mean, Ghaele? She's not my girlfriend. She's my best friend's girlfriend. I accompanied her to the wedding because the groom was his boyfriend's uncle. Basti can't come. He must be busy." he answered. "I thought you're in a hurry? Should I bring you to Justine?" he asked. "He must be waiting for his girlfriend." "You're gross." I hissed. "Justine is my cousin. How could you say that?" I grinned. Tinignan ko siya at napatingin din naman siya sa akin. He just brought back our memories together. He still knows my favorite ice cream flavor and he always knows how to make me smile. If he only came on that day, siguro hindi kami naghiwalay. "I'm sorry." He smiled. "By the way, How's are you? The last time I remember, you're struggling on Biochemistry." he asked. "That's a long time ago. I have already finished Masteral Science in Nursing. Ikaw ba?" I grinned. "Lawyer. I'm Attorney Zion Blake Delos Reyes. Anyways, It's hard to study in Chicago." he replied. I know that law is a demanding area of study, but it’s likely to be within your capability if you’re willing to dedicate yourself. That's why Blake's life was hard. In terms of time, students typically spend 15 hours or more per week on coursework, depending on how advanced their law knowledge is. "So, you're there? Chicago?" I asked and he nodded. "There's a lot of sexy and beautiful girls in there for sure. How many did you ask for a date?" I teased. "Silly." He grinned. "I don't like dating. I promise to someone that I can only stop liking her until I become a lawyer." sagot niya. He's lying. "And if you already become a lawyer? Iiwan mo na siya ga'non?" I asked and smirked. "I'll ask her to marry me." he replied and looked into my eyes. Marriage? He can't even keep his promise. "Then, why break up with her?" tanong ko. He must be wrong. Hindi niya tinupad ang pangako niya. "With her or With you?" tanong niya at tinignan ako ng diretso sa mata. "Studying Law is very difficult for me." "I know and you deserve what you are right now. Uhm. Blake, Thank you for your time. I'm going. I just really have to go." I replied back. "Ezra, that was supposed to be my plan for us." he said seriously. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang pulso ko. "You didn't show up that day, Blake. Stop giving me hope." I replied. Hindi niya ako sinipot ng araw na 'yon. He broke up with me before he went to Chicago. "I was there." he said seriously. Napalingon ako sa kaniya at tinignan siya ng diretso. What the hell was he talking about? "What do you mean?" kunot-noong tanong ko. "I was waiting for you that day. I saw you standing and leaning on the wall waiting for me. Hindi ako nagpakita kasi alam kong mahihirapan akong umalis. I want to stay but you know this dream is very important to me. I'm sorry." "What's the point of explaining, Blake? We're done," sagot ko at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin. "True love stories never have endings. I'm not yet done with you. And I'm sure we're mutual."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD