CHAPTER 5

1521 Words
AN: Hello po pasensya na po kung matagal ang update dito medyo busy na kasi si author. :( pero maraming salamat po sa walang sawang paghihintay. ----------- Matapos kumain 'ay sumunod na kami ni baby Jaxon kay Cadmus sa labas. Hinanap ko pa siya kasi bigla itong umalis agad pagkatapos kainin 'yung hipon na binigay ko. "Cad, mag-swimming muna tayo. Please?" Narinig kong sabi ni Alexandra dito kay Cadmus, magkatabi silang nakaupo dito sa labas ng swimming pool. Napatingin pa sa akin si Cadmus bago ito tumango kay Alexandra. "Magpapahanda ako ng maiinom natin para may pangpainit." Nakangiting sabi pa ulit ni Alexandra na tumingin pa sa akin at naglakad na, naiwan kami ni dito habang nakatayo ako at karga si baby Jaxon. "Do you like to swim?" Maya'y tanong ni Cadmus. "Ha? Aa... Hindi na manonood na lang ako dito." sagot ko dahil naiilang talaga ako tumitig sa mga mata niya na parang laging nang-aakit. Tumango lang ito at tumayo sa kinauupuan at bigla na lang nitong hinubad isa-isa ang sapatos at polo pati na rin ang pantalon. Napahigpit ang hawak ko kay baby Jaxon dahil sa aking mga nakikita, parang balewala lang itong naglakad papunta sa gilid ng pool at tumayo lang muna doon na parang isang modelo. Wahh! Baby Jaxon ano ba naman yang tatay mo, lagi na lang niyang pinatataba ang dalawang mata ko. Isip ko at umupo na ako sa gilid at pinaupo ko si Jaxon sa ibabaw ng lamesa. Inosenteng nakatingin lang ito sa akin habang malikot ang kamay at paa nito. "Ang ganda talaga ng katawan ng ama mo, talagang napapalunok ako ng laway." Mahinang kausap ko kay baby Jaxon at panaka-naka'y sumisilip sa gilid kung ano ang ginagawa ni Cadmus. Kapag napapatingin siya dito banda inaalis ko agad ang mata ko sa kanya at kunwaring nilalaro si, baby Jaxon. Simpleng manyak ka rin eh noh? Jasmine? Pinagnanasahan mo ama ni Jaxon. Sus! Tingin lang naman huwag ka ngang ano diyan. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko habang patingin-tingin sa pabalik-balik na paglangoy ni, Cadmus. "Hindi niya talaga ako hinintay?" "Ay ulam!" Malakas na nabigkas ko dahil nagulat ako dito kay Alexandra na bigla na lang nagsasalita sa likuran ko. "What are you saying?" Nakaangat kilay na tanong nito. "Ha? Ano, ibig ko sabihin ang sarap ng mga ulam kanina. Hindi kasi ako maka-move on eh." Pilit ang ngiting sagot ko sa kanya. "So, talagang pinapaalala mo sa akin? Alam mo, masama talaga ang kutob ko sa'yo." Nakapameywang na sabi nito at humarap ng husto sa akin. "Ako rin masama rin ang kutob ko, este! Huwag ka naman ganyan mabuting tao ako. Maligo ka na lang para malamigan ka ang init ng ulo mo." Sagot ko na nakangiti sa kanya, naiinis naman na tiningnan niya ako. Tumalikod na ito sa akin at hinubad ang takip nito sa katawan, maganda ang kurba ng katawan niya at para rin itong modelo. Higit sa lahat ang lulusog ng dalawang bundok nito 'di tulad ng sa akin. Siguro ganyan rin kasexy ang mama ni baby Jaxon kaya nagustuhan siya ni Cadmus at maganda rin. Kasi maganda si Alexandra. Bitter teh? Pinilig ko ang ulo ko at binalik ko ang atensyon kay baby Jaxon. Sinusubo nito ang kamay kaya tinatanggal ko. Napatingin ako muli doon sa pool, umahon na sa tubig si Cadmus paglusong ni Alexandra sa tubig. Ewan pero natawa ako dahil sa itsura ni Alexandra. Pabalik na si Cadmus dito at bigla akong nakaramdam ng kaba habang naglalakad ito palapit dito. Hanggang sa narito na siya sa harap ko at kinuha niya ang towel na nakasampay sa upuan. Nagpunas at humarap sa akin. "Bakit iniwan mo si, Alexandra?" Curious na tanong ko sa kanya dahil sa natuwa ako sa nangyari. "Ayokong maghintay." Sagot lang nito at kinuha si baby Jaxon. Inangat niya ito at tumuwa naman ang cute na batang 'to, kilala talaga niya ang ama niya. Natutuwang pinagmamasdan ko sila, naiisip ko ganito kaya magiging ama ng magiging anak ko? "Gusto mo ba maligo?" "Huh?" Tulalang wika ko kasi nakatitig lang ako sa kanilang dalawa at hindi ko masyadong narinig ang sinabi nito. "Never mind." Sagot lang nito. Napakamot ako sa ulo ko at binalik niya sa akin si baby Jaxon. Humikab naman ito at halatang inaantok na ito kaya hiniga ko sa braso ko. "Dalhin mo siya sa guest room para makatulog ng maayos at bantayan mo lang." Napalingon ako dito kay Alexandra at iba 'yung pakiramdam ko sa pagkakasabi niya para bang gusto niya talagang masolo si, Cadmus. Ano ka ba Jasmine? Huwag mo sabihin nagseselos ka at gusto mo nandiyan ka lang. Assumera mo talaga. Naisip ko habang nakatingin sa basang katawan ni Alexandra na mas lalong nagpalakas ng dating nito. Napatango na lang ako dahil naawa naman ako kay Jaxon. Nagpaalam ako sa kanila para makahiga ng maayos si Jaxon. Kaso hindi talaga ako mapalagay dahil naiisip ko na sila lang dalawa ang magkasama doon at parehong naliligo. Madali ko naman nakita ang guest room dahil sa tinanong ko ang isa sa mga maid dito. Maingat na hiniga ko si baby Jaxon na napipikit na. Napakabait na baby naman nito hindi mahirap patulugin hindi katulad doon sa kapitbahay namin. Maririndi ka na sa iyak ng bata bago to tumigil at makatulog. Nangingiting pinagmamasdan ko dahil sa napaka-inosente ng mukha niya. Payapa lang ang mahinang hilik nito na ang sarap lang sa tenga. Tumabi ako dito at sumandal sa headboard. Tahimik lang ako at blanko ang isipan habang nakatingin sa may bintana. "His tired." Napaangat ang balikat ko ng marinig ko ang baritonong boses ni Cadmus, nagpupunas na ito ng basang buhok nito at natulala ako dahil parang nag-slow motion ang paglapit niya sa akin habang pinupunasan ang buhok nito. "T-Tapos na kayo mag-swimming?" Nauutal na tanong ko at bigla akong nag-iwas ng tingin sa kanya at hinawakan ko ang kamay ni Jaxon at marahan na pinaglaruan. "Yeah, Jasmine. Right?" Wika nito at napatango ako sa kanya at ang sarap lang sa pandinig ko na marinig ang pangalan ko mula sa bibig niya. "Thank you for carring my child. Kung ano man ang kailangan mo na tulong. Tell me, i will do that." Seryosong sabi nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil naupo siya sa tapat ko at nakatitig lang siya sa mga mata ko. "O-Oo, sa ngayon wala pa naman. Financial lang talaga ang problema ko sa buhay." Natatawang sagot ko pero deep inside sobrang lakas ng t***k ng puso ko. "Pero 'wag kang mag-alala sa ngayon 'ay ok naman kasi sakto naman ang binigay mo at sobra pa nga. Nagpapasalamat rin ako dahil sa'yo---" Shit! God! Sigaw ng isipan ko ng kunin nito ang kamay ko at hatakin ako palapit sa kanya at hindi ko inaasahan na bigla niya muli akong hahagkan. Naramdaman ko ang paghapit niya sa bewang ko kaya mas lalong naglapit ang katawan namin. Napakapit ako sa braso niya dahil parang nanghihina ako sa halik na 'yon. Hindi ako gumagalaw dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Cadmus naman, bakit ka ba ganyan? Lagi mo na lang akong ninanakawan ng halik. Naramdaman ko ang kamay niya sa leeg ko na nagdulot ng biyon-bilyong boltahe sa buong katawan ko. Habang magkadikit pa rin ang labi namin humihimas ang palad nito sa leeg at sa pisngi ko. "Cad. Cad!" Napabitaw kami sa isa't isa ng makarinig kami ng ilang sunod-sinod na katok at ang malakas na boses ni, Alexandra. Ni-lock niya ang pinto? Kasi kung hindi malamang pumasok na agad dito si, Alexandra. Tumayo agad si Cadmus na parang iritado, binuksan ang pinto. Hindi ako umalis sa pagkakaupo hanggang sa pumanta dito si Alexandra at nakatingin sa akin. "Bakit ni-lock niyo ang pinto?" Galit na tanong agad ni Alexandra. Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam talaga. "Do i need to answer? Alexandra, aalis na kami. Kailangan ko na sila ihatid at may lalakarin rin akong importante." Walang buhay na sabi ni Cadmus. "What?" Hindi makapaniwalang bulalas ni, Alexandra. Pagtingin ko saktong nagmulat ang mata ni baby Jaxon, marahil ay nagising ito dahil sa boses ni Alexandra. "Sumunod ka na sa labas." Malamig na utos ni Cadmus sa akin, matapos yon ay naglakad na ito palabas ng pinto. Binuhat ko naman si baby Jaxon at nakita ko ang nakaangat na kilay ni Alexandra habang nakatingin siya sa akin. "Sabihin mo ano'ng ginawa niyo?" May halong inis na tanong nito. "Ginawa namin?" Nakangiting sagot na mas lalong kinainis niya. "Secret na 'yon Alexandra. Private for english pala." Natatawang sabi ko pa bago ko siya iniwang naaasar. Nangingiting lumabas na ako ng pinto habang karga si baby Jaxon. Pagdating sa labas ay nakahanda na agad ang kotse ni Cadmus at pumasok na ako sa loob. "Jass, i'm sorry." Natigilan ako dahil sa sinabi niya pagpasok ko sa loob ng kotse. "Sorry saan?" Maang na tanong ko kahit alam kong tungkol ito sa muli niyang panghahalik. "About sa kiss, masyadong akong pangahas. Sakit ko 'to at hindi ko kayang pigilan lalo na kung gustong-gusto kong halikan ang labi na 'yon." Tulala ako sa sinabi niya at hindi ako makapaniwala. Sakit niya ang manghalik? Oh my gosh! Kung ikaw lagi hahalik sa akin Cadmus, payag na payag ako. Gusto ko ang sakit mo na 'yan. Nababaliw na isip ko habang lihim na nangiti at nagsimula ng umadar ang sa sakyan niya. Masayang puso ko ngayon ewan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD