CHAPTER 2

1581 Words
AN: Salamat po sa muli niyong pag-support dito at sana'y magustuhan niyo itong lahat. Pasensya na at mabagal ang update nito. ----- "Ma-ma." Nagising ako dahil sa may humahatak sa hibla ng buhok ko at umiiyak ito at hindi ko alam kung tama ba ang rinig ko na mama ang sinabi ni, Jaxon? "Mama? Tinawag mo kong mama?" natutuwang sabi ko at kinarga ito. "Ate, ganyan talaga ang baby. Binabanggit talaga nila 'yan huwag kang assumera na ikaw ang mama niyan." mapang-asar na sabi nitong si, Stella. "Alam ko syempre natuwa lang naman dahil nagsasalita siya." sabi ko at inirapan ang kapatid ko. "Pero nasaan kaya ang mama nito? Bakit papa niya lang ang nag-aalaga sa kanya?" takang sabi ko at nagkibit balikat lang si, Stella. "Baka iniwan sila o kaya naman ay namatay. Ba-bye, baby Jaxon. Ang pogi mo talaga, sa amin ka na lang para may baby na kami dito." Halik na halik itong si Stella. "Tama na nga yan, puro laway mo na ang pisngi niya." hawi ko sa kapatid ko at natawa ito sa akin. "Arte mo teh, feeling nanay?" pang-aasar ulit nito at lumabas na ng kuwarto ko. "Jass, palitan mo na ng diaper yang bata at hugasan mo na. Baka babad na 'yan sa ihi niya." Narinig kong sigaw ni mama at tumayo ako habang karga si Jaxon, tahimik lang ito habang nilalaro ang laruan na malambot. Dinala ko siya sa upuan at doon tinanggal ang diaper, hirap na hirap pa ako dahil ang likot tapos sipa ng sipa. Pagbaba ko ng harang sa harap nito natulala ako at napasigaw. "Mama!" Malakas ang boses na tawag ko at natatarantang napalabas sa kusina si mama at mabilis na lumapit ito sa kanya. "Ano bang nangyari at makasigaw ka riyan ay ganon na lang." sermon sa kanya nito. "M-Ma, yu-yung a-ano kasi niya. Tingnan mo." takip ko sa isang mata ko at tinuro ang pututoy ni, Jaxon. "Aba'y tuli na pala agad itong si Jaxon, nako. Bata pa lang ang laki ng ari." "Ma, sigurado kayong normal yan sa baby na kagaya niya?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko dahil hindi talaga ako maka-move sa pututoy ng baby na 'to. Kasi nga labas na ang ulo tapos tumigas ito kaya talagang gulat na gulat ako. "Oo naman, ngayon talaga puwede na tuliin ang baby kapag pinanganak na dahil malambot pa ang balat nito, depende naman yan sa magulang nila. Wala ka talagang alam puro kasi trabaho nasa isip mo." sermon muli ni mama, habang siya na ang nagtuloy magtanggal ng diaper. Grabe, ngayon lang kaya ako nakakita ng ganon parang pang malaking tao na kasi nakalabas na ang ulo. Gosh! Ano ba yan iniisip ko, paano na lang sa ama nito? Napapilig ako ng ulo sa isipin na maaaring laki ng sa ama nito. "Sige na paliguan mo na siya bumili ako ng sabon niya, may ininit akong tubig doon." "Eh, ma tulungan mo ko hindi ko alam magpaligo sa kanya." kamot sa ulong sabi ko kay mama at tinulungan niya ako at tinuruan. Tuwang-tuwa naman si baby Jaxon sa tubig at tawa kami ng tawa ni mama dahil sa kakyutan nito lalo na kapag nakikita ko ang dalawang ipin nito sa ibaba. "Ma, bantayan mo si Jaxon. Ibibili ko siya ng mga kailangan at gatas niya." wika ko ng matapos ko ng paliguan si Jaxon, hinirama rin ni mama ng damit ito para may maisuot. "Siya sige. Nariyan ang dede niya ibigay mo na para hindi 'yan umiyak dahil mamaya lang hihingi na 'yan ng gatas." sagot ni mama habang nagluluto sa kusina. Tumango ako kay mama. "Ayan mas lalo ka ng guwapo baby, Jaxon. Manang-mana ka sa papa mo, kaso parang masungit siya." mahinang kausap ko dito. "Tao po, magandang umaga po. Nariyan po ba si Ms. Jasmine Arillo?" Napatayo ako dahil narinig ko ang pangalan ko sa may pinto namin, binuhat ko si Jaxon at lumapit sa pinto. Isang lalaki na nakauniporme at may hawak siyang mga sobre, tumango ako. "Ako po, bakit?" sagot ko dito at inabot sa akin ang isang sobre at nakita ko agad na may pangalan ng bangko. "Pakipiramhan na lang po, ma'am." sabi nito at inabot ang ballpen at yung papel na hawak nito. Umalis na ang lalaki matapos kong pirmahan ito, umupo ulit ako sa upuan habang kalong si Jaxon. Binuksan ko ito at nagulat ako dahil atm card ito at pangalan niya ang nakalagay. Pumasok agad sa isip ko si, Cadmus. Kinuha ko agad ang cellphone ko at balak siyang tawagan upang tanungin, ngunit may message na ito sa kanya. "Did you recieve the atm card? I'll deposit a money to your account." Nagreply ako agad dito. "Oo narito na sa akin, salamat pala dito." Sagot ko sa reply ngunit hindi na ito nagreply sa kanya. Ng matapos na si mama sa pagluluto ay binigay ko na sa kanya si Jaxon para umalis kailangan niyang bumili ng mga damit at kakailanganin nito lalo ang gatas. "Alis na ako ma." Paalam ko at hinalikan ko sa maumbok na pisngi si Jaxon. Papunta na ako sa pinto ng biglang umiyak si, Jaxon. Natigilan ako at parang naawa sa itsura nito ngunit mas lalo itong pumalahaw ng ng iyak paglabas ko kaya napabalik ako at inaalo ito ni mama. "Hala, ba't siya umiiyak?" Takang tanong ko at kinuha ko siya kay mama, bigla itong tumigil sa pag-iyak. "Gusto niya sa'yo akala niya siguro ikaw na ang mama niya, baka kabagin pa 'yan." nangingiting sabi ni mama. May saya sa puso niya at para siyang kinikilig na ewan dahil sa sinabi ni mama. Naisip ko na isama na lang siya bahala na. "Sigurado ka ba na isasam mo siya? Mahihirapan ka niyan mabigat pa naman si, Jaxon. May lakad lang ako ngayon kaya di kita masasamahan." Wika ni mama. "Oo ma ayos lang, sasakay na lang ako ng side car palabasan para hindi mahirapan magbuhat." ngiting sagot ko at lumabas na ako. "Ikaw talaga ah, gusto mo lang sumama sa akin eh." kausap ko dito at tinapat ko ang ilong ko sa ilong nito. Parang nakakaintindi na ngumiti ito kaya pinupupog ko ito ng halik sa pisngi. --------- Sa mall kami nagpunta ni Jaxon, gamit ang perang binigay ng papa nito ay yon ang pinamili ko. Bumili rin ako ng makita ko ang gamit sa baby para hindi mahirapan kargahin, umabot lang naman sa dalawang libo ang gamit na 'yon. Nagpaikot-ikot ako sa loob ng supermarket para bumili ng mga bote niya at gatas na rin. Ewan pero tuwang-tuwa ako sa pinaggaawa ko at napansin ko na lang na tulog na si Jaxon at nakalaylay ang ulo nito kaya naawa ako inalalayan ko ang ulo nito at sinandal sa dibdib ko. "Ang pogi naman ng batang 'yan, ma'am ang gwapo siguro ng ama niyan." ngiting-ngiti na puri ng cashier. Tumango lang ako dito at binayaran ko ang pinamili ko, lumabas na ako at balak kong mag-taxi na lang dahil ang bigat ng dala ko. Habang naghihintay ako may biglang umakbay sa akin at pinalakad ako at kinuha nito ang pinamili ko. Napatingala ako dito dahil ang tangkad niya at nagulat ako dahil si Cadmus, nakasumbrero ito at medyo nakababa. Naka-jacket rin ito na mas nakadagdag gwapo dito. "Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya dahil naka-akbay lang siya sa akin at hindi ito sumasagot, hanggang sa huminto kami sa entrance ng isang napakagandang Hotel? Sandali anong gagawin namin dito? Saka lang ako nakapag-react ng tapos na itong magbayad at hawak na niya ako sa braso papasok sa elevator. "Bakit dinala mo ako dito? Anong balak mo ha? Pag-aalaga lang sa anak mo ang gagawin ko at hindi kasama ang---" s**t! Hinalikan niya ako uliy buset na 'yan. Hiyaw ng isip ko at mabuti kami lang tao dito, tinulak ko siya dahil nakakailan na siya sa akin. Pero nagsisi ako sa huli dahil nabitin ako. "Wala akong balak sa'yo, pero kung gusto mo naman walang problema." Pagkasabi niya na 'yon namilog ang mata ko sa kanya dahil seryoso lang ang mukha nito. Grabe ang yabang niya porke, halik lang siya ng halik sa akin. Ayoko nga, mamaya makakita ako ng sawa jusko!  Naalala ko na naman ang pututoy ni, Jaxon. Ewan pero palihim na napatingin ako sa ibaba ng pantalon niya pero nakatingin pala ito sa akin. Hiyang-hiya ako na inalis ko agad ang tingin doon baka isipin niya na pinagnanasahan ko siya. Hanggang sa bumukas na ang pinto at nakahinga ako ng maluwag. May tinapat siyang card doon at bumukas na ang pinto, malamig ang sumalubong sa akin at mabangong air con sa loob. Naghubad ng jacket itong si Cadmus kaya napatingin ako at kinabahan napaupo ako sa kama at si Jaxon na lang ang tiningnan ko, naisip ko na ilapag ito para makatulog ng maayos. Nawala si Cadmus at nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. Talagang naligo siya? Nagpunta lang siya dito para maligo? Napaamoy ako sa sarili ko at mabango pa naman ako. Ang tagal ko rin naghintay at ihing-ihi na ako talaga. Ano ba namang pagligo yon napakatagal? Tumayo na ako at kinatok ang pinto ngunit walang sagot inulit ko ulit wala pa rin, kaya kinalampag ko ito at bigla itong bumukas. Halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang basang katawan nito. Ang malapad na dibdib nito ang kurba ng bewang nito at may bukol-bukol sa tiyan na flat ito at ang korte na victory pababa sa puson nito. Higi sa lahat ang pinakababa niya na... Hindi ko na masabi kung ano 'yon dahil titig na titig lang ako sa malaking ibaba nito na gumagalaw pa at parang nagsasayaw hanggang sa sinarado niya ang pinto at doon lang ako nakagalaw at napalunok ng laway.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD