AN: Salamat po sa inyong lahat dahil ito ay magtatapos na, sobrang bless po ako dahil sa inyo at sa walang sawang pag-support sa akin. Sana'y hindi kayo magsawa na basahin ang mga story ko at sa mga susunod ko pa na mga story. Love you all guys! ?? -------------- Pakiramdam ko sobrang gaan ng dibdib ko pagtapak ng paa ko dito sa mansyon. Nakita ko agad si mama at ang kapatid ko at kita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala at mukhang hindi sila nakatulog ng maayos. "Ate!" Tumakbo papunta sa akin si Stella at niyakap ako ng mahigpit, kasunod si mama na mangiyak-ngiyak na yumakap rin sa akin. "Sandali karga ko si baby Jaxon." Natatawang wika ko at lumayo naman sila. "Sorry baby Jaxon." Hinagkan ni Stella si baby Jaxon at kinarga ito. "Ano kamusta ka anak? Sobrang nag-alala ako sa'yo

