Dustine's P.O.V. Mariin akong napapikit habang inaalala kung gaano kasaya ang pinsan kong si Wilder kasama si Monica. Nakaramdam ako ng matinding inis habang nakatanaw sa kanila mula sa malayo. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong siguraduhin na wala si Wilder sa tabi ni Monica kapag kakausapin ko na ito. "Ano na ang plano mo ngayon, Dustine? Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin ako sa Wilder na 'yan dahil sa ginawa niya sa akin. Wala siyang karapatang suntukin ako nang dahil lang sa sinulsulan kita eh totoo naman ang sinasabi ko," inis na sabi ni Niel. "Huwag kang mag- alala... makakaganti rin tayo sa lalaking 'yon. Hindi rin naman talaga ako natutuwa sa mga ginagawa niya. Napag- isip- isip ko na tama ka. May karapatan akong gumanti dahil sa ginawa niya sa akin noon. Naisip ko na hi

