Monica's P.O.V. "Gusto mo bang kumain na lang tayo sa labas?" sambit ni Wilder nang sunduin niya ako dito sa store. Agad akong tumango. "Oo sige para hindi na tayo magluto pa." "Okay sige. Halika na," sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Magkahawak kamay kaming dalawa na naglakad patungo sa parking lot. At habang naglalakad kami, may isang pamilyar na lalaki akong nakitang nakatayo sa isang sasakyan kung saan hindi siya ganoong mapapansin. Dustine? Iyong ang creepy na pinsan ni Wilder? Anong ginagawa niya dito sa parking lot at bakit parang ang sama naman yata ng tingin niya sa gawi namin? "Ayos ka lang ba, inday ko? May hinahanap ka ba?" tanong niya nang makasakay kami sa sasakyan niya. Muli akong tumingin sa sasakyan kung saan nakita ko si Dustine pero wala na siya doon. Namalikmat

