Monica's P. O. V. Umiiyak na lumapit sa akin si Grace at saka niya ako niyakap ng mahigpit. Hindi ko na rin napigilan pang umiyak. Parang kailan lang, magkaaway kami. Pero ngayon, magkaayos na kami. Parang kailan lang noong dinala ko siya sa bahay, pero ngayon ay aalis na siya. Mabuti na lang at tama ang desisyon kong tulungan siya dahil talagang nagbagong buhay siya. Siya ang naging kaagapay ko sa pagpapalaki sa anak kong makulit. Wala siyang reklamo. Talagang naging masipag siya at pinapakita niya sa akin na nagsisisi siya sa lahat ng kasalanan niya. At ngayong aalis na siya sa bahay para pumuntang ibang bansa at magsimula doon, mami- miss ko siya ng sobra. "Monica... walang hanggan ang pasasalamat ko sa iyo dahil kinupkop mo ako at tinulungan. Maraming salamat sa lahat ng kabutihan mo
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


