CHAPTER 33 “Rica, please… makinig ka naman sa akin.” Kanina pa niya ako hinahabol, halos lahat ng bahagi ng resort ay tinakbo ko na para makatago, ngunit naaabutan niya pa rin ako. Hanggang sa umabot kami sa bahagi ng dalampasigan na wala masyadong tao. Napapagod na akong tumakbo at maglakad kaya huminto na ako. Ramdam ko pa rin ang presensya niya sa aking likod. “DJ, m-may ginawa ba ako para gaguhin mo ako ng ganito?” I stood still, though I felt the heaviness of my shoulders. A dull ache throbbed in my lower abdomen, but I ignored it. Sumulpot siya sa aking harapan, ang mga mata niya punong-puno ng pagsisisi, tila pinipigilan ang luhang nagbabadyang kumawala. “Wala,” he slowly shook his head. Huminga ako ng malalim, pilit na nilulunok ang sakit na bumabara sa lalamunan ko. Ayokong

