CHAPTER 14

1441 Words
CHAPTER 14 “I hate to see you go, love. I’m gonna miss you so much, God knows.” He pouted while his arms wrapped around my waist. I also placed my arms around his neck and gave him a peck on his lips. “Love, di ba nangako na ako na babalik ako rito? You know I don’t break promises, y-yung iba pa siguro.” “I don’t break promises either.” Mas idinikit niya ang katawan sa akin at niyakap ako ng mahigpit. We are spending the last hour of my stay here in the resort at the private deck of the villa where I am staying. “Please rest if you feel tired, I’ll call and update you everyday. Don’t worry.” He added. Mahina akong natawa at hinampas ang balikat niya. “Hindi naman kita inuubliga na gawin ‘yon. May tiwala naman ako sayo.” Kumalas siya mula sa pagkakayakap namin at isinukbit niya sa likod ng tenga ko ang ilang takas na hibla ng buhok ko. “I love you so much, Rica.” He said softly then cupped my face and kissed my forehead, then he placed a gentle kiss to the tip of my nose and lastly he claimed my lips. Right there and then, our bodies become one again and make each minute count. Dahan-dahan akong kumilos upang hindi magising si DJ. Pinulot ko ang mga damit ko na nakakalat sa sahig, we really did it here at the deck. Gosh! Umiinit na naman ang pisngi ko. Napailing ako at dumiretso na agad sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako at inayos ang mga gamit. Nang matapos ang mabilisang pag-aayos ay naramdaman kong may pumasok sa kwarto. “You’re going?” His voice sounds tired, but there’s a sadness in it that makes my heart clench painfully. Humarap ako at naglakad palapit sa kanya. He is already wearing his white tee and boxer shorts. “Love… Pwede mo naman akong dalawin sa opisina o sa condo ko kapag wala ka ng ginagawa dito. Alam ko naman na magiging busy ka dahil sa preparasyon sa National Summer Wear Photoshoots na gaganapin next year. And I totally understand if you can’t contact me. Huwag ka nang malungkot, I love you, DJ.” *** Pagkarating ko ng unit ko ay madaling araw na. Kahit ayoko nang istorbohin si DJ dahil marahil ay natutulog na siya, tinawagan ko pa rin siya upang hindi siya mag-alala. Nag-usap lang kami saglit at pagkatapos ay natulog na kami pareho. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, pero bigla akong napadpad sa isang lugar na parang totoo. Nakatayo ako sa isang tahimik na dalampasigan, ang langit punong-puno ng kulay mula sa papalubog na araw. Dapat sana'y nakakapanatag ang init ng buhangin sa ilalim ng aking mga paa, pero hindi ko maalis ang bigat sa dibdib ko. Napatingin ako sa kamay ko at napansin kong may hawak akong locket. It was old and rusted, its once-golden sheen dulled by time. My fingers trembled as I opened it, revealing a tiny photograph inside. It was a picture of a family—my family. I recognized the faces, but the emotions it stirred were chaotic, a whirlwind of joy, longing, and pain. The waves began to rise, crashing louder against the shore. Each swell seemed to whisper secrets I couldn’t fully hear. And then I noticed where I was. This place... it wasn’t just any beach. It was the place—the place where everything changed. Hinigpitan ko ang hawak sa locket, para bang kaya nitong panatilihin akong konektado sa sandaling ito. Pero tumindi ang hangin, bumubulong sa akin ng mga alaala na ayaw kong harapin. Tumaas pa ang alon, sinasakop ang mga paa ko. Bigla na lang, wala na ako sa dalampasigan. Napapikit ako, at nang dumilat, nasa ibang lugar na ako—isang resort. Malabo pa, parang balot sa hamog, pero pakiramdam ko’y kilala ko ito. Parang nasa dulo ng isip ko ang sagot pero hindi ko mahawakan. I walked slowly, my bare feet brushing against polished floors. The sound of laughter and music echoed faintly, as if coming from a distant party. My heart raced as I turned a corner and glimpsed a figure. I couldn’t see their faces, but they were waiting, standing still as if they had been expecting me all along. I tried to call out, but my voice caught in my throat. Then everything faded, the resort dissolving into nothingness, and I was falling—plunging into icy waters, the locket slipping from my fingers. “Sandali! Huwag!” sigaw ko, inaabot ito, pero nilamon na ito ng karagatan. Nagising ako, hinihingal at humahagulgol. Ang kamay ko ay nakadikit sa dibdib ko na parang hawak ko pa rin ang locket. Mabilis ang t***k ng puso ko, at sa isang iglap, parang naramdaman ko na halos mahawakan ko na ang isang alaala—isang alaala na hindi ko pa kayang harapin. *** "Welcome home, Rica!" Bati sa akin ni Shana nang buksan ko ang pinto ng condo ko. May bitbit pa siyang red wine sa kaliwang kamay at pinapakita niya sa akin ‘yon. Malawak ang kanyang ngiti habang papasok siya sa unit ko. Naupo siya sa sofa, sumunod naman ako sa kanya matapos isara ang pinto. Umupo ako sa tabi niya, isinandal ko ang likod ko sa backrest ng sofa at ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko ang pag-uga ng upuan. "Ang tamlay mo ata ngayon? Akala ko ba in love ka na ulit, anyare?" I slowly opened my eyes, staring blankly at the white ceiling. "Nanaginip ako, Shana," sagot ko, halatang lutang pa rin. "Ano? Tungkol saan?" tanong niya habang itinigil ang pag-uga ng upuan, lumalapit para mas makita ang mukha ko. Pinilit kong maupo nang maayos, pinipilit alalahanin ang bawat detalye ng panaginip ko. "Parang ang bigat sa pakiramdam. May nakita akong locket, locket ng mga magulang ko. Tapos, nasa isang lugar ako… isang dalampasigan na pamilyar pero hindi ko matandaan kung saan." Tumaas ang kilay ni Shana. "At? Ano pang nangyari?" "Naramdaman ko na parang importante ang lugar na ‘yon, pero hindi ko maintindihan kung bakit. Para bang… para bang nandoon na ako dati. Tapos may mga alon na malalakas, parang gustong lamunin ako. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Ang weird, parang totoo pero parang hindi." "Omg, Rica." Puno ng pag-aalala ang boses niya. "Baka sign ‘yan? Alam mo na, na dapat balikan mo ‘yung lugar na ‘yon. Marahil ay doon mo matutuklasan ang dahilan ng pansamantalang pagkawala ng alaala mo at tiyak na sa lugar din ‘yon maaalala mo na ang lahat." Huminga ako nang malalim at tinakpan ng mga palad ang mukha ko. "Ewan ko, Shana. Ayoko nang balikan ang nakaraan. Parang mas okay nang nakabaon na ‘yon sa limot kaysa harapin ulit ‘yung sakit. Isa pa, hindi ko na kailangan alalahanin pa ‘yon. It’s just selective amnesia. Lahat naman ng pangyayari o mga taong nakakasalamuha ko mula noon hanggang ngayon ay naaalala ko." “Sure ka bang lahat? How about DJ? ‘Di ba sabi niya sa’yo na magkaklase kayong dalawa noong grade school? How come ‘di mo na siya maalala? Baka naman konektado siya sa nakaraan mo…” Natigilan ako sa sinabi ng best friend ko at napatingin ako sa kanya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Shana. Hinawakan niya ang balikat ko at tinitigan ako nang seryoso. "Rica, alam kong mahirap harapin ang isang bagay na hindi natin alam kung anong magiging epekto sa atin. It takes courage to face any kind of battle, especially if it involves ourselves. Take your time, besty." Tipid akong ngumiti. “Salamat. Siguro dahil din sa pagod sa byahe kaya ko ‘yon napanaginipan.” “Pinaalam mo ba kay DJ ang tungkol sa panaginip mo?” usisa niya. Bahagya akong umiling, “Ayokong mag-alala siya. Baka bumiyahe pa ‘yon papunta dito ng dahil lang ‘don.” Huminga siya nang malalim at tumango-tango. “Kung ‘yan ang desisyon mo, then hindi na ako kokontra pa.” Kinuha niya ang bote ng red wine na dala niya kanina mula sa maliit na mesa sa harap namin. “Buti pa at uminom na lang tayo, huwag mo na muna isipin ‘yon.” "Talagang red wine agad, Shana? Puwede bang tubig muna?" biro ko, pilit na itinatago ang bigat ng nasa isip ko. Ngunit kahit pilitin kong huwag isipin, hindi ko maalis sa isip ko ang tanong—bakit parang pamilyar talaga ang lugar na iyon? Kahit nakakatakot, may bahagi ng puso ko na gustong alamin ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD