CHAPTER 9
"Alam mo, nakakainis ka." sabi ko ng palabas na kami sa villa. Hindi ko maitago ang kahihiyan na nararamdaman dahil sa nangyari ilang sandali pa lang ang dumaan. Tunog maarte ang dating but I don't care.
May mapaglarong ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Why? I didn't know you want me to kiss you on the lips."
Hinampas ko siya sa braso, "Stop it, DJ." Feeling ko namumula na naman ang pisngi ko.
Tinignan ko siya ng masama at naunang maglakad. Naramdaman ko naman na sumusunod siya, hanggang sa nakulong na ako sa kanyang mga bisig at inilapit ang katawan ko sa kanya. Mahigpit ang pagkakapulupot niya sa akin, kinarga niya ako at inikot-ikot.
Muli kong hinampas ang mga kamay niya, "DJ, ibaba mo 'ko! Nakakahilo!" saad ko. Napapalakas ang boses ko habang natatawa, mabuti na lang at hindi gaanong nadadaanan ang gawing ito ng mga staff niya.
Ibinaba niya ako ng makuntento siya at iniharap ako sa kanya. Hinawi niya ang mga iilang hibla ng buhok na nasa mukha ko at inayos ito sa likod ng aking tenga.
He kissed my forehead once again, "Ayokong madaliin ka, Rica. I want to make you feel that you're the most special woman in my life. Gusto ko laging makita kang nakangiti at—"
It felt overwhelming hearing him say those words, kaya 'di ko napigilang dampian siya ng mabilis na halik sa labi. He was taken aback, isang matamis na ngiti naman ang pinakita ko.
He pinched my cheeks and then to my nose, “It’s hard to resist you, alam mo ba ‘yon? I am trying my best to control myself but you’re making it difficult.”
I looked at him intently, trying to think straight and the reason why I am here. He made my stay here more memorable, binigyan niya muli ng kulay ang buhay ko kahit ilang araw pa lang kaming magkasama. ‘Di ko pa man alam ang dahilan kung bakit hindi ko siya matandaan, but I can strongly feel the connection between us.
I never felt like this before towards Enzo. Is it possible? Normal lang bang maramdaman ito?
Little by little, DJ’s face is coming closer to mine. Hindi ako gumalaw at hindi nagpatinag sa gagawin niya dahil marahil ay sa aking noo siya hahalik. But I was wrong, he pressed his lips against mine.
It was a gentle kiss that brought shivers to my body. We were sharing a passionate kiss, I can’t stop myself from leaning towards him urging for more.
Hinahabol namin ang aming hininga matapos ang halik na pinagsaluhan namin.
“You’re the end of me, Rica.” He said after embracing me. Natawa ako.
“Gutom lang ‘yan, Mr. CEO. Mag-breakfast na tayo.” Nakangiti kong saad at hinila na siya patungo sa resto.
***
“Aba, mukhang pagoda si ante! Anong ginawa niyo?” bungad na tanong sa akin ni Shana nang sagutin ko ang video call niya, nagtaas pa siya ng kilay. Umupo ako sa couch at isinandal ang aking likod at ulo.
DJ and I spent the day doing lots of water activities, nag-enjoy kami ng sobra. ‘Di na nga namin namalayan ang oras at ginabi na kami. We planned to have dinner tonight but after I took a shower, parang nag-iba ang pakiramdam ko.
“Wait, you look pale. Masama ba pakiramdam mo?” Shana continued asking, ngunit wala na akong energy na sumagot sa kanya.
“Rica, umayos ka dyan! Nasaan na ‘yang boyfriend mo? Bakit hindi ka inaalagaan?”
Panic is already visible in her voice. Iminulat ko ang aking mga mata at tinignan siya.
“H-Hindi ko pa yon boyfriend, assuming ka.” saad ko.
“Laro! Doon din naman ‘yan papunta!” Pang-aasar niya. Humalumbaba siya, “eh, bakit ka ba nagkaganyan?”
I just shrugged and slowly shook my head. “Hindi ko rin alam, nang pabalik na ako ng villa bigla ko lang naramdaman na parang lalagnatin ako.”
Inangat niya ng bahagya ang kanyang ulo at nilagay ang kanang kamay sa baba at napaisip. Ngumisi siya ng may mapagtanto, “alam mo kung anong gamot diyan? Kiss-pirin at yakap-sule lang galing sa bf mo kaya tawagan mo na upang mabigyan ka na ng gamot.”
“Ewan ko sayo! End ko na nga ‘to. Puro kalokohan lang ang nasa isip mo, kailangan ko lang ata ng tulog.”
“Okay, ingat ka diyan.” sabi niya at nag flying kiss pa.
Dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa aking kama. I put down my phone on the bedside table and I am already getting ready to lie down but there was a knock outside and thought it was DJ.
I tried to walk straight kahit nanghihina ang aking tuhod hanggang sa nahawakan ko na ang doorknob at ipinihit ito upang buksan.
“Let’s—Rica, are you alright?”
Bigla akong nanghina at saglit na nawalan ng malay buti na lang at nasalo agad ako ni DJ.
He carried me and laid me down on my bed. Then he touched my forehead for him to know if I was not feeling well.
Hindi ko na alam ang mga nangyari, pagkagising ko ay medyo naging maayos na ang pakiramdam ko. Tinignan ko ang wall clock na nakasabit at mag-a-alas dyes na pala ng gabi, napunta ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng kama ko at natutulog. DJ rested his head on his forearm.
Imbes na gisingin siya ay kinuha ko ang aking cellphone sa kabilang side ng kama at pinicturan siya. I send it to Shana and as if she was with me dahil sa naging reaksyon niya.
Shana:
Grabe girl! Ang yummy naman!
Me:
Kaya pala medyo lowbat ako kanina habang magka-usap tayo dahil masama pala talaga ang pakiramdam ko. He’s the one who took care of me.
Shana:
Ang sweet! Huwag mo nang pakawalan bestie!
Me:
Is it right to go for it? Hindi ba parang ang bilis ng pangyayari?
Shana:
Kung titignan mo ang sitwasyon, parang ang bilis nga. But if your heart wants to take a leap of faith, then go for it.
I took a deep breath and looked at DJ. I stroked his nose and pulled away when he started moving.
I flashed a weak smile when our eyes met.
“You scared me, Rica.” marahan niyang saad sa akin. He sat properly and leaned forward, gently caressing my cheeks. Mas idinikitl ko ang aking pisngi sa kanyang mainit na palad.
“I’m sorry, DJ. Siguro dahil sa init kanina at pagod kaya bumigat ang pakiramdam ko.” tugon ko.
“Just rest here, kukuha lang ako ng makakain natin. Gusto sana kitang yayain ng isang yacht date kanina, ngunit sa ibang araw na lang natin ‘yon gawin. Ang importante ay gumaling ka.” He stood up and kissed my forehead. “Babalik ako, okay?”
Tumango ako bilang sagot. A few minutes after he left, I continued chatting with Shana.
Me:
Hindi ko na yata kayang pigilan ang sarili ko na magustuhan siya, bestie.
Shana:
So, what are you waiting for? Go mo na ‘to! I will always be right here, bestie. Nakasuporta ako sayo all the way.
Ngumiti ako, I felt happy knowing my best friend is always by my side.
I guess there is no right or wrong in choosing someone to love. But it takes courage to step forward, facing the unknown path and leaving the comfort and walls I built to guard my heart. Despite the uncertainty, DJ made me feel whole again, like he brought back pieces of me I thought were lost. I can’t deny it any longer—being with him feels like stepping into something real, something alive.
So, maybe... It's time I stopped holding back. Maybe it’s time I let myself feel this, let myself believe in what could be, even if it means taking that leap into the unknown.