Chapter One

1247 Words
Nathalie's Point of View "Nathalia Maxine!" tawag ni Joyce sa akin. Tinigil ko ang pagsusulat at nilingon siya. "Oh bakit Joy Celina?" ganti ko dahil sa pagtawan niya gamit ang buong pangalan ko. Agad naman siyang napasimangot dahil doon. "Hmp. I hate you talaga!" nagtatampo kunwaring aniya. Tumaas ang sulok ng labi ko. "Wag ka mag alala... pareho lang tayong dalawa" seryoso kong saad bago bumalik sa pagsusulat. Nasa ika-labing isang baitang na kami. Ang mga kaklase at kaibigan ko ayun, masasaya sa mga partner nila, samantalang ako eto, napagiiwanan. to Gusto ko din e-try yun, ano. Yung mag b-boyfriend ako tapos ipapakilala ko sa parents ko. Bago sweet-sweetan kami. Tapos at the end of the day iiwan lang din ako. Punyemas. May crush ako pero hindi naman ako makaamin. Hindi din ako pinapansin. Hindi kami close. Ayaw pa ako ligawan e. Hindi ko naman siya papahirapan. Easy lang naman ako pagdating sa kanya, hay nako Axel Anthony Haguisan. "Bakit hindi ka pa umamin kay Anthony? Malay mo naman, diba?" ani Joyce. "Well, I don't have the confidence to do that" sagot ko habang nagsusulat pa din. "Kaloka ka ha. Edi umamin ka pero wag ka magpakilala, duh" sarkastiko niyang saad. Nakakunot noo ko naman siyang nilingon. "Oh e paano ko gagawin yon, aber? Paano ako aamin ng hindi nagpapakilala?" tanong ko sa kanya. "Use your brain, b***h. My gosh. Ang talino mo sa academics pero boba ka sa love thingy" maarteng aniya. Gago talaga 'tong si Joyce. Gandang babae bastos ang bunganga. Mygosh. Ay hala nahawa na ako kay Joy Celina. Buti pa si Franch laging tahimik, tulog ba naman lagi. "Ganito ang plano" panimula niya. "Mag iwan ka ng love letter sa locker niya!" nakangiti at kinikilig niyang saad. Napasimangot naman ako. "Seriously? Love letter? Sa pagsusulat kong 'to baka matakot lang yun akalain sinusumpa ko siya" ani ko. Oo na ako na panget magsulat. Sorry na, maganda lang ako. "Hmmm. Edi flower nalang. Red rose ganun" nakangising aniya pa din. Mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. Bruhang 'to, igagaya pa ako sa mga secret admirer niyang pila pila at naglalagay ng bulaklak at tsokolate sa locker niya. "Espirito ng kabaliwan, umalis ka sa katawan ng kaibigan kong si Joy Celina! Now na!" nakapikit at kunwari ay dinadasalan kong saad sa kanya. "Heh! Bruha ka!" nagtatampo kunwaring aniya. Natawa naman ako. "Just leave a f*****g piece of paper somewhere with your confession. You can put your name if you want. It's up to you" maya maya ay ani ng katabi ko sa kabilang side na si Franchesca, ang babaeng ginagawang bahay ang classroom. Napaisip naman ako sa sinabi niya. A piece of paper with my confession. Tama! Hihi. Napakagaling talaga ng babaeng 'to kahit tulog. "Omo! You're so smart talaga, Franch!" tili ni Joyce. "Ts. I know" anito at nanatiling nakapikit habang nakaunan sa mga kamay niyang nasa lamesa. Sige. Yun nalang. I can do it! Axel Anthony Haguisan, I like you! Sulat ko. "Ano ba yan ang corny niyan girl!" pansin naman ni Joyce. "Oo nga 'no?" pag sangayon ko naman. Pinunit ko iyon at ginasumot bago itapon sa bag ko. "Lagay mo nalang 'I like you,, baby' ganon!" tawang tawa na suhestyon nama ni Joyce. "Alam mo Joy Celina bruha ka talaga. Tigilan mo nga muna ako!" kunwari ay inis kong saad. "Hihi just kidding. Sige na continue kana dyan sa future love life mo!" aniya at niyakap pa ako at hinalikan sa pisngi bago ginawa ang mga gagawin niya. Wala na naman kaming klase ngayon dahil nga wala ang teacher at may biglaang meeting. Nakailang ulit pa ako bago nakaisip ng isusulat. It's now or never na mga mamsh. Kumuha ako ng malinis na papel at nagsulat doon ng confession ko. Keri ko 'to mga mamsh. Pansin ko pa ang pag aabang nina Joyce at Franch sa gagawin ko. Ngumiti ako ng malawak at agad na kinuha ang papel bago ito ginusot. Rinig ko ang pagsinghap ni Joyce dahil sa ginawa ko. Syempre sino ba naman tanga ang kukuha ng maayos na papel tapos lulukutin lang din. "The f**k" ani naman ni Franch. Nginitian ko silang dalawa. At least kapag ganito ag itsura nito ay iilan lang ang papansin dito, ang iba ay itatapon ito sa basurahan, kaya walang problema kahit umamin ako na crush ko si Anthony. Besides, first name niya ang sinulat ko sa papel, madaming Axel sa mundo kaya iisipin din nila na tagaibang lugar yon. Naks, talino ko talaga mga beH. "Aalis lang ako saglit mga bEh, susunduin ko lang ang lovelife ko hihi" kinikilig ko pang saad. "Gaga, goodluck girl, fighting!" natatawang saad naman ni Joyce. "Goodluck sa'yo" ani naman ni Franch. Pumunta muna ako sa unahan ng classroom para sabihan ang mga kaklase namin. "Guys, may aasikasuhin lang muna ako, for now, mag stay muna kayo dito sa room and wag na wag kayong aalis hangga't walang hudyat na breaktime na" ani ko. "Yes, Pres!" saad ng lahat. Dahil nga ako ang President ng klase at President ng buong school ay sinusunod nila ako. Nirerespeto. Naglakad na ako papalabas ng classroom. Dumiretso ako sa rooftop ng school. Aba kahit naman public school itong pinapasukan namin ay may pa-roof top din 'to. Feeling ko nga nasa Titanic ako dahil sa lakas ng hangin e. Sumalubong sa akin ang sariwa at malamig na hangin pagpasok ko ng rooftop. Napapikit ako at dinama ito. Pagmulat ko ay nakatingin ako sa magandang tanawin sa likod ng school namin. Isa iyong open field na paggaganapan ng paparating na Senior Night namin. Maganda doon at... malinis. Maya maya ay naabalik ang isipin ko kay Axel Anthony at sa piraso ng papel. "Mamaya ko na siguro ito gagawin. Dito muna ako. E-imagine ko muna na kasama ko si Axel hahays" nakangiting ani ko. Pinikit ko ang mata at gaya ng nakagawian ay nag imagine na naman ako ng mga bagay bagay. Boyfriend ko si Anthony, magkahawak kamay kami, magkayakap, nilalambing niya ako tapos hinahalikan sa buong mukha tapos... tapos ano... Agad kong iminulat ang mata dahil sa naisip kong iyon. Sorry, Lord! Sorry sorry! Paghingi ko ng tawad kay Lord dahil sa naimagine ko. Narinig ko ang ingay ng mga estudyante, hudyat na oras na ng breaktime namin. Umalis na ako sa rooftop pero nanatili ako sa 4th floor. Nilingon ko muna ang classroom namin at nakitang naglalabasan na ang mga kaklade ko, sina Joyce at Franch naman ay nakita ako agad paglabas ng pinto. Tumakbo sila palapit sa akin. "Ano? Ayos na?" tanong ni Franch. "Not yet. Kinakabahan pa din ako" saad ko "Bruha, kaya mo yan" ani naman ni Joyce. Nakatingin lang si Franch sa mga estudyanteng naglalakad pabalik balik. Kaya naman naman nilingon ko din ang mga iyon. Si Anthony! Agad akong napangiti at napatitig sa love of my life ko. "Patingin nga ng papel" maya maya ay saad ni Franch. Wala sa sarili ko iyong iniabot sa kanya dahil akala ko ay babasahin niya lang iyon. Pero maya maya ay para bang nag slow-mo ang lahat at nakita ko nalang na lumilipad na ang papel mula sa fourth floor pababa sa ground AT HIGIT SA LAHAT PAPUNTA SA KUNG SAAN NAKAPWESTO SINA ANTHONY. "Waaahh! Hala hala hala!" ani ko agad. "Tara na gutom na ako" pagyayakag naman ni Franch na parang walang nangyari. "Hahaha omoo ang cool mo nung tinapon mo yung papel Franch. Love youu naaa" ani naman ni Joyce "Tara na kumainnn!" masaya pa niyang dagdag. Hindi ko na nagawang lumingon pa kung anong nangyari sa papel at kung natanggap ba iyon ni Anthony dahil hinila na ako nina Joyce papunta sa canteen. Pero kahit na ganoon kabaliw ang ginawa ni Joyce, medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko. At least nakaamin ako sa kanya kahit hindi direkta. Muli akong napangiti noong maalala ko ang sinulat ko sa papel na iyon. 'Axel H., I like you! -Nath. V'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD