Warning: This story may not be suitable for a very young age due to some unscripted words...
---
DUKE
"I was shocked too, Duke—" Vladimir said.
After the dinner, Vlad and I decided to go at our favorite club we used to hangout with. We are at the VVIP room.
"Even I, don't think it was a good idea. It's not that I don't like you to be my brother-in-law, hell! that would be a privilege for me to have you as my brother-in-law, you're a very successful man, Duke, but as a brother, gusto ko na doon sa lalakeng magiging masaya ang kapatid ko. Kilala mo naman ang kapatid ko, you are both the total opposite of each other, and she's the—you know, she's not the type of the ideal lady that every man would wish for to be their wife not even as a girlfriend—"
"Pero kung sakali man na matuloy ang kasal niyo, I hope you'll be patient with her—"
"Duke, I know that this is too much to ask, but kung meron man lalake na gugustuhin ko para sa kapatid ko, Ikaw 'yon. Ikaw lang kase ang lalake na alam kong mapagkakatiwalaan ko para sa kapatid ko. I love my sister so much—"
"Matanda na si dad, and soon I'll be settling down to build my own family. Paano na si Vlance? I wanna make sure first that she'll have someone by her side when Dad and I was no longer there for her. Kaya sana, ikaw ang lalakeng 'yon."
I actually wanted to be rude in front him by cursing and yelling, "Are you serious? After winning Vianca's heart, you're going to give me your pyscho monster sister to be my wife?" But I restrained myself from doing so, Vlad is a nice friend, even though we are rivals over Vianca's heart, we still choose to keep our friendship and that is a real matured men.
"You're a very matured gentle man that is why I want you to be my sister's husband. Hindi ko makakalimutan 'yon araw noong pareho nating nalaman na pareho pala tayong may gusto kay Vianca, we were just both a teenage boys back then, but you maturedly told me, "who ever may be the best man, we must still remain friends." Ugh! at that time I felt like I losed even though Vianca had chosen me, pakiramdam ko, ikaw pa rin ang panalo—" he looks at me, and then he tapped my shoulder.
"Kaya noong nalaman ko na napagkasunduan pala ng mga magulang natin ang kasal niyo, there is a part of me which rejoices. This may sound selfish, but yes, I am happy that my sister will end up to a decent man like you."
I felt like I am stucked in between my family's expectations and a my bestfriend's request.
Si Vlance? Seryoso ba sila? Wala akong problema na kahit kailan ay hindi ko na resolba, but right now. Urgh! This is the worst! That psycho monster!
I did everything to build this perfect world with my own sweat, blood and life, binuhos ko ang lahat-lahat, pinaghirapan ko ang 'to para maging perpekto, but they will just give me that psycho monster to be my wife? This is ready depressing!
---
VLANCE
Vladimir, my borther bailed me after I was brought to a police station again. Madalas ganito na ang nakagawian, lagi akong nadadala sa presinto at si Vlad ang kumukuha sa akin para mapyansahan ako. I was only thirteen when I was first brought to a police station, naaalala ko pa noong una akong dinakip ng mga pulis dahil nagnakaw ako sa isang sari-sari store ng mga tinapay, dahil wala akong dalang pera, I only have cards with me and they are not accepting cards, It got me no choice but to steal, hindi ako magnanakaw, but I can become one if that is the only thing I could do to help someone in need. Hindi ko na kase mapigilan ang sarili ko na hayaan lang 'yong matandang babae sa kalsada na ang payat-payat at hindi pa kumakain. Kahit nahuli ako ng tindera at ipinakuha sa mga pulis ay napanatag pa rin ako dahil natulungan ko ang matandang babae bago ako mahuli.
I am a very adventurous girl, kaya bata pa lang ako noon kung saan-saan na ako nakakarating. Sumasama ako noon kay Ellie, 'yong genuis doctor na consultant professor na ngayon, madalas kase sumasama siya kay Dr. Isidro sa mga medical mision kaya sumasama din ako noon sa kanila, nakikipag laro ako sa mga batang taga Gondo; mas gusto kong makipag laro sa kanila noon kaysa sa mga bata na mayayaman kase mas masaya 'yong laro nila—Tumbang preso, Piko, we also catch spiders and watch the two spider fights, ilalagay namin sa stick ng barbeque 'yong dalawang gagamba sa magkabilang dulo ng stick tapos papanoorin namin silang maglaban. Madalas pa ako noon mag-uwi ng gagamba na nakalagay sa kahon ng posporo para ipakita ko sa mga batang kaibigan ni Vlad kaso natatakot sila o kaya inaayaw nila ako kaya mas gusto ko na lang sumama kay Ellie para makalaro ko 'yong mga bata sa Gondo. Playing with them is much more exciting and fun. Naaalala ko pa noong madalas kaming pumupunta sa Ilog Pasig tapos nakikipag laro kami sa mga batang naliligo doon, we jumps at the bridge, and then swim, tapos nanghuhuli pa kami ng mga palaka sa gilid ng ilog pasig. Pag-uwi ko ay laging galit na galit si dad kase amoy kanal na daw ako, but I don't care, as long as I enjoyed it.
"Aaaaagghh!" I heard a loud commotion coming from the kitchen the moment I arrived at home. Hinatid muna ako ni Vlad bago siya dumeretso sa dinner meeting kasama si dad.
Kasunod ng mga sigaw ay ang ingay ng mga gamit sa kusina ang nagbagsakan sa sahig. Pagdating ko sa kusina ay nadatnan ko ang mga Maids kasama si Chef Jose na nagtatakbuhan at takot na takot. Ang mga kagamitan sa kusina ay nagkalat na sa sahig at tumapon ang mga nilutong pagkain ni Chef.
"Vlaaaaaaance!" Galit na galit na sigaw ni Chef Jose sa akin nang makita niya ako.
"'yong alaga mo!" Lahat sila ay nakapatong na sa counter top at takot na takot. Nilingon ko ang direksyon kung saan nakaturo ang mga daliri nila at doon ko nakita ang alaga kong si Anna, 'yong alaga kong 5 meters Albino Burmese python.
"Your all cruel to Anna, hindi naman siya nananakit eh, ang bait kaya niya!" sabi ko palapit kay Anna. Binuhat ko siya a bumulupot agad sa brado ko. "I miss you, Anna. Kumain ka na ba? You must be really hungry."
Idinala ko si Anna pabalik sa glassed house niya at binigyan ng pagkain.
Kinuha ko naman si Ace sa balikat ko at ibinalik sa sarili niyang glassed house kasama ang asawa niyang si Dian. "Hi, Dian. Did you miss your husband? You must be very sad without him all day," kinausap ko si Dian.
Pagkatapos ay pumunta ako sa silid ni Alie, ang dalawang talampakan na alaga kong alligator. Binuksan ko ang pinto ng silid niya at doon nakita kong lakababad siya sa artifical pond house niya. Ang sahig ay mayroong artifical grasses floor mat at may mga laruan na nakakalat. "Hi there, Alie!" Binuhat ko siya at hinimas ng maingat ang mahaba niyang nguso at saka kami lumabas. Ibinaba ko siya sa sahig at ikinabit ko ang harnes sa katawan niya. Lumapit ako kay Anna at isinabit ko siya sa balikat ko, binuhat ko ang glass house nina Ace at Dian at saka hinawakan ang tali ng harness ni Alie. "Come on, guys, let's go jamming." I said at saka lumabas para magtungo sa music room.
I have a room for my pets. Pinag-aralan ng Veterinarian at architech ang paggawa ng bahay nila dito sa silid para hindi magkagulo ang mga alaga ko. Si Dion lang ang wala sa bahay, ang alaga kong white Benggal tiger. I got a better place for her, nasa jungle-like-zoo siya nakatira. Minsa dinadala ko siya dito sa bahay pero binabalik ko din siya sa bahay niya dahil mas maaalagaan siya ng caretaker niya. Isa lang ang Doctor nila, si Dr. Gian, ang kaibigan ni Vlad na Veterinarian. Sa kanya ko lang ipinagkakatiwala ang mga alaga ko. I have this greate fondness with animals. Minsa nga binibiro pa ako ni kuya na, "The Girl Tarza" I just shrugged.
"Aaarrggh!" Nagsigawan ang dalawang katulong na nakasalubong ko paglabas ko ng silid nang makita nila akong bitbit ang tatlong mga alaga ko. Nabitiwan nila ang hawak nilang tray at kumaripas ng takbo. I just rolled my eyes, and then went straight my music room.
Pagdating namin ay ipinatong ko sa bakanteng lamesa ang glassed house kung na saan sina Ace at Dian, ikinabit ko naman ang harness ni Alie sa hook na nakakabit sa dingding at saka ipinasok si Anna sa bakandeng glassed box, that box was built on purpose here at my music room for my pets because we use to jam here.
Inayos ko ang loop station ko at ang iba ko pang mga instrumeto. I wore the strap of my electric guitar on my shoulder, and then I started slamming my guitar.
Ooh, ooh, yeah, yeah
Hmm yeah, psycho
Tell me who you think you are
Coming in to break my heart
Make it like an operation
But I ain't one of your patients
Could've least waited but you don't play that game
I can't get you off my brain
Keep on popping pills for the pain
But as soon as I go wake up
Still caught up in your games
No, I can't get out of this haze
Tears are almost gone, still got symptoms in my heart
So tell me what's the cure for you
Cause boy you make me so confused
You got me feeling like a psycho, psycho
Got me chasing shots of NyQuil, NyQuil
Without you, I get antsy and upset
But with you, I fall apart
Boy look what you've started
I can't stand you, heartless
Like a psycho, psycho
Got me chasin' shots of NyQuil, NyQuil
I hate that you keep playing with my head
But I keep on coming back
I just can't get away, hey now we'll be okay
The song I was singing right now was an english version of the popular K-Pop song—Psycho, by Red Velvet. I made a little twist of rock in the song. I will be having an upcoming collaboration concert with them in Korea, but we and the whole team was still on the process of our production. Marami na akong mga naka-collaborate na sikat na artist, most of them are internatonal artist and bands like BTS, The Vamps, Avril Lavigne, I also had collaborated with the local artist like Yeng Constantino. When I was younger I had appeared with Parokya ni Edgar's and Rivermaya's Concerts. My favorite local band is the Eraserheads from the 80's, while the The Beatles is my favorite international band, they are all legendry artists and I respect them so much.
My pets started producing their sounds as if they were singing with me.
Nang matapos kaming mag jam ng mga alaga ko ay ibinalik ko na sila sa kanya-kanya nilang mga bahay para makapagpahinga na rin.
"Why are you here?" I said irritatedly when I saw my brother was sitting at my bed the moment I entered my room.
"Hi sweet little Vlance!" Kinamot ko ang batok ko trying to be patient talking with him.
"Umalis ka na nga dito! Gabi na!" sabi ko.
"My sister is now a lady." Bigla niya akong niyakap. Gusto ko sana siyang itulak pero hindi ko nagawa, he's my brother after all and I love him even though I don't show him, treating him rudely is my way of showing my love.
Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "I will gonna miss my sister!"
"Ano'ng pinagsasabi mo? Tarantado ka!" sabi ko. Nainis ako kase parang nagpapaalam ang tono ng boses niya.
He laugh fainty. "I will soon going to propose to your ate Vianca, mag-isa ka na lang dito."
"Eh ano naman ngayon? Hell! I can leave alone."
"Do you have plans of settling down someday? Nakikita mo ba ang sarili mo balang araw na maging asawa o kaya ina?"
I chuckled, but actually, hearing those from him, makes me wanna vommit. I have a crush, I like him, but I don't think I deserve a good man like him to be my husband, he is anvery kind man and I'm sure he deservers a better girl than me. I'm the worts girl in the entire universe, that is why it is very imposible for him to like me. "Hell no! There is no way I'm going to marry! besides, kahit naman gustuhin ko, tingin mo may magkakagusto naman sa akin? I was know for being a psycho monster."
"You're not a psycho! It's just that, they don't understand you for being weird most of the time. They thought of you as a psycho because you acts very unusual. You're not a psycho, you're worst more than that." Tumawa siya. ltinulak ko siya nang mapikon ako. Akala ko pa naman seryoso ang usapang ito.
"Bwisit ka!" sabi ko.
"Eh paano kung wala na kami sa tabi mo? Sino ang tutulong sayo sa mga katarantaduhan mo? Lagi ka pa man din dinadadala presinto dahil sa mga kalokohan mo, 'wag mong aasahan na kahit may pamilya na ako, ako pa rin ang kukuha sa 'yo para piyansahan ka. Hindi ba p'wedeng umiwas ka na sa mga riot, Vlance? Paano kung biglang ikaw ang madali ng mga ugok na lalakeng 'yon? Tandaan mo babae ka pa rin, baka kung anong gawin nila sa 'yo."
"Sanay na ako! Isa pa, hindi ko nakikita ang sarili ko na maging isang asawa o ina. Puro sakit lang sa ulo ang makukuha ng kawawa kong asawa at ang mga anak ko, ano'ng sasabihin nila sa akin? 'pag lumaki sila at malaman nila ang lahat ng mga kinasangkutan ko. Ikahihiya lang nila ako."
"That is why, magbago ka na."
"Vlad, I don't like pleasing other people. This is me at wala ng magbabago doon, I don't like to fake or pretend to be someone I am not. Dito ako masaya."
"Hay nako! Halika nga." Muli niya akong niyakap and I hugged him back.
"By the way, may gustong kumausap sa 'yo bukas, p'wede mo ba siyang puntahan para kausapin?" My browns raised
"Kausap? For what?"
"Just some business matters."
"No way! I am not in to business stuffs, you know that."
"Vlance, please? Isang beses lang naman. Please?"
"Vlad! Ano'ng alam ko sa negosyo?"
"Ganito na lang. Just go there and mag-usap kayo."
"Bakit ba kase? Ano ba ang meron?"
Hindi siya nakasagot agad. "Uhmn." He was
like hesitating.
"Dad can't attend to meet Duke, do you know him?" tanong ni Vlad.
"Aaah, oo, kilalang-kilala. Siya 'yong mayabang na lalake na akala niya siya na 'yong pinakamagaling. Masmagaling kaya si Dr. Ellie kaysa sa kanya! Si Dr. Ellie, simple lang at natural na matalino! Matalino lang naman 'yong Duke na 'yon kase sobrang taas ng ego niya pero mas magaling Dr. Ellie!"
"You seems to be fond with Dr. Ellie. Mula noong bata pa tayo laging siya ang bukang bibig mo at madalas mong kasama. Do you like him?"
"Eh ano naman ang masama? I like people like Ellie, 'yong hindi mayabang! Hindi tulad ng Duke na 'yon!"
"Really? That is good to hear na nagkakagusto ka sa isang lalake na tulad ni Ellie. I know Ellie, and he really is a nice guy too."
Nag-init ang pisngi ko nang mamalayan kong si Ellie na ang pinag-uusapan namin. "Oh, no! You don't get what I mean! Hindi ko gusto si Ellie in an intimate manner. I just like him as a friend!" I said denying. I ready do like Ellie, he is a freaking genius, humble and a handsome man, gano'n ang mga tipo kong lalake.
"Okay, fine." Bakas sa mukha ni Vlad na alam niyang gusto ko si Ellie. "Basta, sumipot ka bukas, okay?"
"Eh bakit hindi na lang ikaw ang pumunta?"
"I have a meeting with the Arab investors, Dad and I are going to Tagaytay to attend a meeting with them. Vlance, Inaasahan ka namin sumipot bukas, at kung ano man ang mapag-uusapan niyo just say no, 'wag kang papayag. All I want for my sister is to be happy."
"You're weird!" I said.
---
Kinabukasan, tinupad ko naman ang pakiusap ng kapatid ko na puntahan ang opisina ni Duke, ang ubod ng yabang na lalake, ang sobrang mapagmataas na lalakeng 'yon!
Lumabas ako sa sasakyan, dala ang sling bag na nakasabit sa balikat ko. Kinuha ko ang hoverboard at sumakay ako doon patungo sa elevator. Habang pinapatakbo ko ang hoverboard ay nakasoot sa tainga ko ang wireless earphones at nakikinig sa sarili kong song albums, sinasabayan ko pa 'yon ng pag kanya at wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko, alam kong maingay ako at dinig sa buong parking lot ang boses ko.
Bigla akong natigil ng mamalayan ko na mabigat ang bag ko pero ipinagwalang bahala ko na lang 'yon at ipinagpatuloy ang pagpaandar sa hoverboard at dumiretso sa elevator at pumasok ng nakasakay parin sa hoverboard. Nakarating ako sa unang palapag kung saan ang receptionist. Pinatakbo ko ang hoverboard ko patungo sa babaeng nakaupo sa reception.
"Hindi ba si Vlance 'yan?" Narinig ko ang mga bulungan ng mga taong nakasalubong ko habang pinagtitinginan nila ako.
"Oo nga! Siya nga!" Pinagpatuloy ko lang ang pagdiretso sa kinaroroonan ng receptionist.
"Good morning, ma'am. Welcome to—" Hindi pa natatapos ng receptionist ang sinasabi niya nang inunahan ko na siyang magsalita.
"I'm here to talk with your boss, Duke."
"Okay, ma'am. Please with for a second, may I have your ID, please?"
Dinukot ko ang wallet sa bulsa ko at kinuha doon ang ID at saka ibinigay ko sa kanya. "Okay, Miss Vlance Tiamis Del Prado—"
"Could you make it fast?" I said impatiently.
"I'm sorry." Nagmadali siyang kimulos at may kung anong ginawa sa computer. Habang naghihintay ako ay may dalawang babae ang lumapit sa akin.
"Good morning po, Miss Vlance. Pwede po ba kaming magpapicture?" I just nodded and smirked at the camera.
Nagpasalamat ang lahat ng mga nagpapiture sa akin at kasunod nito ay ibinalik ng receptionist ang ID ko at saka itinuro niya ang floor kung saan ang opisina ni Duke at marami pa siyang mga itinuro. "Here is your ID, ma'am. Uhmn, may I have a picture with you too? My son is a fan of yours." she asked bago ako dimeretso sa pupuntahan.
"Sure," I said while picking something in my pocket.
"Here, give this to your son." Inabot ko sa receptionist ang isang costumized guitar keychain kung saan ay mayroon akong pirma. Madalas akong magbigay ng mga souvenirs sa mga paslit na fans ko. I like kids too except for those who are brats.
Pagkatapos niyang magpa-picture sa akin ay dumiretso na ako sa palapag na itinuro niya. Nakasakay pa rin ako sa hoverboard at pumasok sa loob ng elevator. Nang makarating ako sa palapag na patutunguhan ko ay sinalubong agad ako ng isang babae. "Good morning, Miss Vlance!" binati ako ng babae. So, my arrival was really expected. Binati niya ako na halatang inaasahan nila ang pagdating ko.
Sumunod ako sa babaeng sumalubong sa akin at naglakad kami papasok, sinalubong kami ng ilang mga empleyado at binati nila ako, "Good morning, Ma'am." sabi ng bawat ng empleyadong nakakasalubong namin.
Nakarating kami sa pinakamalaking silid at pagbasok ko ay may nakita akong isang lamesa at mga office equipments and supplies at may isa pang pintuan na may nakakabit na isang bakal na plaka na may naka ukit na, "VICE-PRESIDENT" Sigurado akong 'yon na ang opisina ni Duke.
"Please take your sit ma'am. Would you mind waiting for a while? Sir Duke was still speaking with some officials, but it won't take too long. Would you like to have something to drink while waiting?"
Naupo ako sa couch sa tapat ng opisina ni Duke. Sa tabi ng couch kung saan ako nakaupo ay ang table ng babaeng kausap ko, she must be his secretary.
"Of course, I would love too," I said sarcastically.
"Do you have any specific request for your drink?"
"Do you offer beer here?" Nabigla ang babae sa sinabi ko at hindi naka sagot.
"Kung wala, 'wag ka nang magtanong, just give me what have."
"Okay, I'm sorry, please wait for a second, excuse me." sabi niya at iniwan ako.
Idinagan ko ang likod ko sa couch at komportableng naupo. Itinaas ko ang dalawa kong paa sa lamesang tapat ng couch kung saan ako naka upo.
"Aaaarrgh!" Nakarinig ako ng malakas na sigaw ng kung sino sa labas kaya lumabas ako ng nakasakay parin sa hoverboard upang alamin kung ano ang nangyayari.
Paglabas ko ay nagkakagulo ang lahat ng mga empleyado at nagkalat na ang mga papel at kung ano-ano pang kagamitan sa opisina, natumba din ang ilan sa mga upuan, ang lahat ng mga empleyado ay umakyat at pumatong sa kanikanilang mga lamesa. Hindi maipinta ang takot na takot na mga itsura ng mukha nila.
"Ahas!" sigaw nilang lahat. Nilingon ko ang kinaroroonan kung saan silang lahat nakaturo at doon ko nakita si Anna, ang alaga kong Albino Burmese Python.
Kumawala ang malakas na tawa sa bibig ko nang makita silang nagkakagulo. Bumaba ako sa hoverboard ko at tumakbo sa kinaroroonan ni Anna at kuniha ko siya. Hindi parin ako tumutugil sa paghalakhak nang marinig ko ang pagbukas ng elevator at iniluwa no'n ang isang babae hawak ng dalawang mga kamay niya ang bulubundok na mga dokumento. Nakalimutan ko na naiwan ko pala sa tapat ng elevator ang hoverboard ko at natapakan niya 'yon.
"Aaaarrghh!" Dumausdos siya at tumilapon ang mga bitbit niyang mga dokumento sa hangin at nagkalat ng mga laman na papel at nagkanda halo-halo na ang mga ito.
Muli akong humalakhak. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa opisina ni Duke. "What the?" Narinig ko ang boses niya.
I turned around to faced him at nakita kong may mga kasama siya mga lalake paglabas ng opisina, may katandaan na ang mga ito na nakasoot ng itim na amerikana. Hindi makapaniwala ng mga itsura nila nang makita ang gulo na nagawa ko, lumipat ang tingin ni Duke sa kinaroroonan ko at kasunod nito ay unti-unting nalukot ang mukha niya nang makita niya ako hawak si Anna. Hindi parin ako humihinto sa pagtawa.
"You!" Mabigat ang boses niya at bakas ang galit sa tono nito.