CHAPTER 2

1978 Words
VLANCE I took accountancy because my dad wanted it, but of course, my goal was to fail all the subjects to give him another headache. Giving headaches to people is my field of expertise. I went to the soccer field and there, I saw the Howlers' Soccer Team, practicing at the field. The girls in their heavy make-ups were cheering and screaming like crazy monkeys starving for a banana. I rolled my eyes. On the vacant side of the field, a few meters away from the soccer field, there were diligent scholar students who were busy studying. But the foolish rich kids don't respect them because they have a poor mindset. They even stupidly brags, that the scholars are like parasites who take their money to get a quality education. Stupid! They have no idea how much honor they bring to our school. The scholars are from the lower class of society who can't afford to study unless they are being sponsored, but to become a scholar, they must be intelligent enough. The scholar student has the most total number in our school's population. The university wanted to have more of them because they were expected to bring a good reputation to the school. Their exceptional intelligence contributes to great success and honor to our school. But the stupid elite students couldn't even appreciate it. What would I even expect from them? They were just some sort of selfish, brainless rich kids. I went near them, sitting in the vacant space. I give too much respect to them because they are very worthy of my respect. They were the only people I respect at our school. "Hi, Vlance!" they greeted me. "Woooah! Kakaibang palaka 'yan ah, pang mayaman. Bullfrog lang kase ang sa amin," Gino said. He's wearing thick eyeglasses and an old-fashioned, worn-out polo shirt. "Kaya nga! Ano'ng uri ng palaka 'yan?" Dannelle later seconded the motion. Just like Gino, she was also wearing a worn-out dress but wearing such, doesn't lessen her beauty. She's even much prettier than those elite girls who depend their beauty on surgeries and make-up. Her beauty was so natural. I like girls like her-simple but smart. "This is Ace. Gusto niyo ba siyang hawakan?" I asked, as I carefully took Ace on my shoulder and I showed him to them. "Ang ganda naman niya!" Dannelle praised him. "Ace is a White's Tree Frog. He has a wife, and her name was Dian." They both nodded with smiles on their faces as they looked at Ace, and then, they gently stroked his back. I stood up and then I started sharing stories of my pets with them. "Marami pa akong ibang alaga. Si Anna, 'yong five-meters Albino Burmese python. Si Dion, ang eight months old, white Bengal tiger ko. Si Alie, she's a young alligator." Namilog ang mga mata at bibig nila sa pagkamanghan habang nag-ku-k'wento ako na parang isang bata, kasabay ng paggalaw ng mga kamay ko sa hangin. They were both giggling as I shared funny stories about my pets. "Miss Del Prado!" Natigil kami ng biglang dumating ang coach ng soccer team. "Nang gugulo ka nanaman ba ng mga nag-aaral na estudyante dito?" "Coach Stanley, hindi po, nag-k-kwentuhan lang po kami." Dinepensahan ako ni Dannelle gamit ang natural na malunay na boses niya. Humalakhak si Stanley, and pakialamerong ugok. "Siguro binantaan mo ang mga kawawang estudyanteng 'to kapag nagsumbong sila, kaya pinagtatanggol ka nila ngayon." Pasigaw na husga niya sa akin. Humarap siya sa mga scholars at ngumiti. "Miss Dannelle, 'wag na 'wag kang matatakot na magsabi o magsumbong kapag may ginawang katarantaduhan sa 'yo ang babaeng 'to." Tumaas ang isang kilay ko. "Wala po talaga siyang ginawang masama, sir. Maniwala po kayo," sagot ni Dannelle. "Totoo po ang sinasabi namin, wala pong ginagawang masama si Miss Vlance sa amin," sabi naman si Gino. Stanley scowled at me. "Then, explain to me why is there a frog in here? Tinatakot mo ba sila sa palakang ito?" sigaw si Stanley sa akin. "Hindi po talaga, Sir." Magkapanabayan nilang depensa. "Binabantaan kita, Miss Del Prado! Subukan mo lang tuksuin si Miss Gervacio, mananagot ka talaga sa buong faculty. Gusto kong malaman mo na scholar siya ni Mr. Ylvania, kapag nalaman ni Mr. Ylvania ang mga ito, lagot ka sa kanya!" He whispered scolding me. As if I care. I sighed while rolling my eyes. He then faced Dannelle. "Miss Gervacio, kapag may problema ka, 'wag kang mahihiyang magsabi sa amin, okay?" I made face, imitating Stanley. Binigyan ako ni Stanley ng tingin ng pagbabanta at saka umalis. "Pasenya, Vlance," they said apologetically. "Come on, guys! Kilala ako sa reputasyon na ganito, we can never please people, let us just go with the flow. Hindi naman tayo ang ma-i-stressed, eh!" Marinig ko ang malakas na kalam ng sikmura ni Gino. Nahihiyang hinawakan niya ang tiyan. "Gino, May dala akong talong, kamatis at kanin. Gusto mo sa 'yo na lang ang baon ko?" Inalok ni Dannelle ang dala niyang pack lunch. "Nako, Dannelle, 'wag na. Baon mo 'yan eh!" "Ano ka ba, Gino, 'may dala pa ako'ng tinapay, sapat na 'yon. Ang mahalaga, makakain ka ng agahan." "Salamat, Dannelle. Ang bait-bait mo talaga." "Ano 'yan?" Tanong ko nang makita ang laman ng lunch box. There was a flat brownish oily dish and an orange colored fruit cut into small pieces. It was my first time seeing those kinds of dishes, only the white rice was familiar to me. The rice they have looks different from our rice at home, our chef used to serve us basmati rice, red rice, or Japanese rice, but we seldom eat rice, we usually eat cereals and wheat breads for breakfast, so I was kinda ignorant with their meals. "Trotang talong at kamatis, gusto mo tikman?" I nodded. My mouth was about to water as I smelled the aroma of Dannelle's food. Nakakatakam ang amoy ng pagkain. I wiped my palm on my pants and then I gave my open palm like a happy child waiting for her candies. Hiniwa ni Gino ang tortang talong at kumuha ng kamatis saka ipinatong sa palad ko. Mabilis kong isinubo ang pagkain at nginuya. "Uhmmm, Ang sarap!" Tumawa ang dalawa. "Hayaan mo, sa susunod na magbabaon ako isasali ko kayong dalawa,” sabi ni Dannelle. "Pasensya, Dannelle, hindi na kase ako nakapag-agahan dahil late na ako gumising, napuyat ako kagabi kase may part-time ako tapos nag review pa ako at pag dating ko dito ang mahal ng mga paninda sa cafeteria. Pinaalis kase ng mga security 'yong mga nag bebente ng fishball sa labas, 'yon lang ang kaya ng budget ko," paliwanag ni Gino. "Ibig niyong sabihin, hindi kayo kumakain sa cafeteria?" "Ano ka ba, Vlance. Lahat kaming scholar sa fishball at mga turo-turo lang nabubuhay, hindi namin kaya ang mapakamahal na paninda sa cafeteria kaya kailangan namin magtiis sa gutom. Simula ngayon ipina-demolish ang mga nagbebenta sa labas kaya kung ayaw naming magutom dapat mag baon kami." Kumunot ang noo ko. "Demolish? Bakit naman?" "Kase, walang permit ang mga nagbebenta sa labas." Sagot ni Gino. Napaisip ako-Kung walang silang lugar na mapagkakainan ng gaya ng turo-turo, maraming scholars ang magugutom, karamahin sa kanila mga part-time working students, at pati sina Aling Binay ay mawawalan ng hanap buhay, sina aling Binay, ang street food vendors na madalas kong puntahan dahil paborito ko ang luto nilang kwek-kwek, kalamares, dynamite, lumpia at sari-saring mga pagkain. Kawawa sila. "Hmmn!" Iminasahe ko ang hintuturo sa sentido ko. I must do something. Nabigla ang dalawa nang bigla akong nagsalita nang malakas, "Alam ko na!" "Alam ang alin?" "Tawagin niyo at Ipunin niyo ang lahat ng mga scholars dito, I'll be back in a minute," I said, and then I ran to get my car. Idinala ako ng sasakyan ko sa bagong pwesto na nilipatan ni aling Binay. Nasa tapat ako ng pampublikong unibersidad at magulo sa kapaligiran. Nagahip ng mga mata ko ang maliit na Jeep ni aling Binay. "Vlance!" natutuwang binati ako ng matanda. Nagsitakbuhan ang ibang mga estudyante ng unibersidad sa direksyon ko at mas lalong nagkagulo. "Vlance, pa-picture." Nagtilian ang mga estudyante nang makita nila ako. "Bakit ka na rito? Alam mong pagkakaguluhan ka ng mga tao." Maski ako nabigla, hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa akin. "Ayos lang ho," sagot ko habang pinagkakaguluhan nila ako. "Paano mo kami nahanap dito?" tanong niya. "Nalaman ko po na pinaalis kayo ng unibersidad, nag-alala po ako baka wala kayong mahanap na lilipatan pero masaya ako dahil mukhang maayos naman po ang nalipatan niyo. "Maayos nga, pero magulo dito, hind tulad doon tapos sa dati na tahimik, pero ayos na kami rito kahit marami kaming ka kumpitensya." Ngumiti s'ya. "Oy! Ingatan niyo naman ang paglapit kay Miss Vlance," Sinuway ni aling Binay ang mga estudyante. "Ayos lang ako, sanay nga akong mabugbog, dito pa kaya." Sanay ako sa riot kaya wala na sa akin ang ganitong gulo. "Naparito ka?" "Aling Binay, gusto kong bilhin lahat ng paninda mo." Kumuha ako ng stick ng fishball at itinusok sa tukneng at isinawsaw sa suka saka kinain. "Marami pa po ba kayong kanin at ulam diyan?" kako. "Marami pa naman," sagot niya "Kunin ko pa lahat ng 'yan, paki balot po ng tig-iisang order." Halata ang pagtataka sa mukha ni aling Binay, "Seryoso ka? Para saan ba ang mga bibilhin mo?" Hindi ko na kailangan sabihin na ibibigay ko sa mga scholars. Gusto ko lang makatulong. "Wala lang po, namiss ko ang paninda niyo," binola ko siya. Ngumiti siya. "Ikaw talagang bata, bolera." Bumalik ako sa university. Nangamoy prito ang loob ng sasakyan ko matapos kong ilagay ang mga pinamili sa loob. Kinuha ko ang mga pagkain at tumakbo bitbit ang malalaking biodegradable plastic bags na naglalaman ng mga pagkain. Pagdating ko ay nadatnan ko ang grupo ng lahat ng mga scholar. "Vlance, bakit mo ba kami pinapunta dito?" tanong nga iba pang mga scholar na kasama nina Dannelle. Kilala nila akong lahat dahil madalas mas gusto ko pang sila ang makahalubilo. "Oh, 'yan bumili ako ng baon niyo, take these for breakfast or lunch. 'wag kayong mag-alala, nakausap ko na si aling Binay, siya na ang maghahanda ng breakfast niyo para hindi kumakalam ang mga sikmura niyo. Ang usapan abangan niyo lang daw siya sa labas at iaabot niya ang mga baon niyo, kayo na ang bahalang mag distribute sa mga kasama." Their faces lit up when they heard the good news. "Maraming salamat, Vlance," they said gratefully. Natigilan kami ng maramdaman kong tumama ang soccer ball sa likod ko. Pagharap ko at ay nagtatawanan ang mga soccer player, they are messing up with me. I grinned. "You like this? I give you!" I said. "Hey, Psycho! give us the ball." Martin said, the team captain. I picked the ball but I didn't return the ball to them. I waited for him to come. Ngumiti ako na parang demonyo nang makalapit siya. "Come on, you psycho! Give the ball to me." Inabot ko naman ang bola sa kanya. Hahawakan na sana niya ang bola nang biglang namutla at nanlaki ang mata niya nang makita niya si Ace na nakapatong sa bola, I put Ace in there. "Aaaaaaaagghh!" Nagsisigaw siya at kumaripas ng takbo palayo. Sa sobrang takot niya ay hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Nabanga niya ang malaking backdrop at nagiba 'yon, gahamitin pa man din sa nalalapit na intramurals na pinaghirapan ng mga student councils, pati ang malaking banner ay napunit at nabanga niya pa ang mga lata ng pintura at nagkalat sa hallway. Nakagawa nanaman ako ng delubyo sa araw na ito. Nagtawanan kami sa itsura ni Martin. That ballsless piece of s**t! "Vlaaaaaance!" Narinig kong simugaw si Professor Cheng Go, ang terror na accounting professor. Nilingon ko siya at nanlilisik na ang mga mata niya sa galit. Oops! My bad...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD