Prologue

419 Words
Maaga akong nagising dahil sa ingay mula sa kusina kahit malayo ang kwarto ko sa kusina rinig na rinig ko pa rin ang pagkalampag, pag bagsak ng mga gamit. Habang pababa ng hagdan agad bumungad sa akin si Valerie na nasa kusina at nag aamoy sunog. "Valerie, Ano ba naman yan. Imbis na mamaya pa ako magigising para pumasok napaaga tuloy dahil sa ingay mo. Nakakainis naman!" Agad na napatingin sa akin si valerie. Kaya napatitig din ako sa ginagawa niya na nag palaki sa mata ko kaya agad kong kinuha ang fire extinguisher na nasa kusina at agad na pinatay ang apoy na nanggagaling sa kawaling ginagamit niya. "What the f**k valerie?! Kung balak mong mag sunog ng bahay siguraduhin mong wala kang madadamay" "S-sorry ate, Gusto ko lang naman na mag luto pero hindi ko naman akalain na mag a-apoy ang kawali eh" "Paanong hindi mag aapoy ang kawali. Hinayaan mo na nakasalang sa lutuan ang kawali ng walang mantika eh hindi ka pa naman tapos sa ginagawa mo. Nag iisip ka ba?" "S-Sorry ate" "Kung gusto mong magluto mag patulong ka sa mga maid hindi yung mag isa kang kumikilos. Susunugin mo pa yung bahay. Nakakasira ng araw naman" Nakita kong paluha na siya kaya tinigilan ko na ang sermon sa kanya. Kahit sobrang galit ko sa kanya at hindi ko siya tanggap ayoko pa rin na nakikita siyang umiiyak ng dahil sa sermon ko. Huminga muna ako ng malalim bago tumalikod sa kanya "Mag tawag ka ng isang maid sabihin mo linisin na ang mga kalat sa kusina" "Sandale ate! Nag toasted ako ng bread para sayo tapos nag handa na din ako ng cereals mo" "I won't! Kainin mo na yan. Sa school na ako kakain" "Pero ate-" "Pwede ba valerie! Tinigilan mo ko. Akala ko ba matalino ka bakit hindi mo maintindihan yung salitang sa school na ako kakain? huh?" "Gusto ko lang naman pag-silbihan ka ate para matanggap mo na ako bilang kapatid mo" "Matanggap? Sa tingin mo tatanggapin kita bilang kapatid ko? In your dreams. Hindi ko kailangan ng kapatid at hindi mo na din ako kailangan pag silbihan dahil kahit anong gawin mo. I will never let you into my life yan ang tandaan mo" Tuluyan na akong umalis sa kusina para bumalik sa kwarto ko at matulog ulit. Peste kasi nasira yung tulog ko dahil sa babae na yun. Ampon na nga sagabal pa sa buhay at pag tulog ko argghh.. I hate you valerie. I HATE YOU!! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD