Medyo napakamot ako sa ulo ng makita ang box ng package. Nakatikwas naman ang kilay ni Moms sa gawi ko. Mukhang hindi ko napag-isipan na wala pala kami sa bahay namin at naparami ang na-add ko sa cart. Ngayon dalawang naglalakihang imported box ang dumating sa apartment at hindi namin alam kung paano ipapasok sa loob dahil siguradong hindi magkakasya ang box sa pinto. Andami na nga ng in-order ko, sure pa akong nagdagdag pa si Wolf ng ibang items. Ganoon kasi madalas niyang gawin. Lalo pang napakamot ako sa ulo ng magsidatingan mga kamag-anak at kapitbahay namin. "Did you even think that this is going to happen?" Tanong ni Moms sa akin. "Not really," nakangiwi kong sagot. "Hay naku!" Napatapik pa siya sa noo niya. Nasa labas rin kasi siya at iniintertain ang mga dati niyang kaklas

