Gusto ko man siyang huwag sundin at lumabas ng kwarto para ipakitang hindi ako takot sa kanya ay hindi ko magawa. Dahil sa totoo lang, takot ako. Iba pa rin naman kasi yung dati na sinusuway ko ang mga sinasabi niya lalo’t hindi pa niya pinaparamdam ang presence niya in real life. Kaya naman iba ang feeling ko ngayon, especially knowing that he is here. That anyone among the men outside is possibly Wolf. “Hahhh!” Hindi ko maiwasang mapasigaw ng biglang bumukas ang pinto. “Are you okay, imp?” Nakakunot ang noo at nag-aalalang tanong ni Vonn sa akin. “Your cousin said nahihilo ka daw, so I just came in to check up on you.” “I’m fine. The heat and alcohol just got me… But I feel much better now than earlier,” sagot ko sa kanya. “San ka napunta kanina? Bakit bigla ka ata nawala?” Bahagy

