“So, paki-explain sa akin… Bakit ka andito?” Nakatikwas ang kilay na tanong ko kay April. Pagkauwi nina Nana galing sa pagsimba ay agad kong inaya si Alyana na mag-mall syempre automatic kasama ang mga gurls. Sabi ni Alyana, sa mall na daw kami kikitain nina Tatiana. At laking gulat ko, na kasama ni Tatiana na naghihintay sa amin si April. At ang gaga, siya pa talaga ang nag-decide kung saan kami kakain ha. Gusto kong mag-McDo, pero sawa na daw siya sa McDo, kaya sa Shakey’s na lang daw kami. Siya rin ang nag-decide ng food namin. Siya na rin nagbida-bida kay kuyang waiter na maghanda ng long table para sa group namin dahil may mga kasama pa kaming darating. Siya na lahat. Akala ko nga siya rin magbabayad, pero bago pa niya i-finalize ang order, tanunging ba naman ako, ‘Credit card, f

