Naks, in fairness dito sa club ni Lester, ang ganda ha. Entrance pa lang, maiingganyo ka na talagang pumasok dahil sa mga neon lights na futuristic ang drama. “Sina Lester ang may-ari nito?” Tanong ni Todd na tinanguan ko lang. Nasa likuran namin siya ni Alyana, at naghihintay na makapasok kami sa loob. Hindi naman kami pumipila kagaya ng ibang pumipila sa entrance. Nakasimangot na nga ang mga naunang dumating sa amin eh na nauna pa sa pila. Pasensya sila, BFF ng frenemy ko ang may-ari, kaya no pila needed kami. Kailangan lang I-scan ng security/bouncer ang IDs ng mga kasama ko, since ngayon lang sila nakapunta dito. Ang alam ko nga, kay Lester lang talaga to. Siya mismo ang humiling sa daddy niya na magbukas ng bar. Lima kasi silang magkakapatid at siya ang bunso. And as far as inh

